Advertisers

Advertisers

7 magsasaka nag-aani ng tubo niratrat ng mga sekyu

0 15

Advertisers

Sugatan ang pitong magsasaka nang pagbabarilin ng isang grupo ng mga security guards sa Hacienda Escolastica, Brgy. Mabini, Cadiz City, Negros Occidental noong Martes.



Sa report ng Police Regional Office-Negros Island Region (PRO-NIR), nag-aani ang mga biktima ng tubo nang dumating ang pitong security guards naini-hire ng may-ari ng tubuhan na lulan ng kulay puting pickup truck sa nasabing lugar.

Pinalalayas umano ng mga security guards ang naturang mga magsasaka na tumanggi namang umalis na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dahil dito, bumunot umano ng baril ang mga security guards at pinagbabaril ang pitong magsasaka.

Mabilis na isinugod ang mga biktima sa pagamutan ng mga sumaklolo ng mga itong kasamahan.

Nasakote naman sa follow-up operations ng pulisya ang mga security guards na isinailalim na sa kustodya ng Cadiz City Police Station kung saan nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon laban sa mga ito.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang naturang mga security guards at inaalam na rin ang pananagutan ng mga security agency ng mga ito.