Advertisers
Sa gitna ng pasasalamat ni Alden Richards sa patuloy na suporta ng mga manonood sa pelikulang Out of Order, isang misteryosong post sa kanyang Instagram Stories ang agad na umani ng atensyon.
Kasabay ng “thank you” message niya sa fans, ibinahagi rin ng aktor ang tila matalim na banat na may caption na “May araw ka rin” — kalakip ang screenshot na may nakasaad:
“P35,240,000,000,000 worth of funds inserted by Zaldy Co in Bulacan.
Para maubos mo ang P1 billion in a year, kailangan mong gumastos ng P2.8 million bawat araw.”
Agad itong pinag-usapan ng mga netizen, na kanya-kanyang hula kung kanino nga ba patungkol ang pahayag. May mga natuwang tinawag itong “bold move,” habang ang iba naman ay nagsabing “cryptic but powerful.” (BETH GELENA)