Advertisers
Ilang dekada na sa showbiz, pero nananatiling isa si Kristine Hermosa sa mga mukha ng tunay na Filipina beauty.
Aminado ang aktres na may kaakibat ding pressure ang bansag na “most beautiful.”
“Napi-pressure na ako. Tumatanda na ako, parang bawal magka-wrinkles!” natatawang sabi ni Kristine.
Nagpapasalamat din ang aktres sa patuloy na paghanga ng publiko.
“I’m flattered. Thank God for that glow,” ani niya.
Sa edad na 42, simple lang ang sikreto ni Kristine sa kanyang walang kupas na ganda — malusog na pamumuhay, tamang dasal, at positibong pananaw.
“Kumakain ako ng tama, nag-e-exercise, at nagdadasal. Lagi kong sinasabi, ‘Lord, pabatain mo pa ako,’” biro pa niya.
Para kay Kristine, hindi lang mukha ang sukatan ng kagandahan — kundi kung paano mo pinapanatili ang kababaang-loob at pasasalamat sa bawat papuring natatanggap.