Advertisers
Ni Beth Gelena
Totoo naman na kahit sino ay aayon sa tsikang nagiisang Anne Curtis lang ang kayang kumanta nang hindi perpekto ang boses pero hindi ka maiinis — dahil sa natural niyang charm, sincerity, at totoong puso sa performance. Hindi lang sa galing nasusukat ang isang artista, kundi sa koneksyon na naiiwan niya sa tao. At doon, panalo si Anne.
May ibang karisma kasi ang Aussie-Pinay TV host-actress padating sa pagpeperform.
Siya ay hindi singer, pero nakakapagpuno ng isang venue kapag gusto niyang mag-concert.
Hindi boses ang kanyang ibinebenta kundi kung papano siya magperform on stage.
Katunayan siya ang Total Performer among the performers na hindi maganda ang boses at nadidisintunado pa, pero pag gustong bumirit ay gagawin kahit na. Magkapiyok piyok pa ang kanyang boses mo.
Sabi nga nila: “Nagiisang Anne Curtis lang ang kayang kumanta nang hindi perpekto ang boses pero hindi ka maiinis — dahil sa natural niyang charm, sincerity, at totoong puso sa performance. Hindi lang sa galing nasusukat ang isang artista, kundi sa koneksyon na naiiwan niya sa tao. At doon, panalo si Anne.”
“Tama ka khit hindi singer kayang kaya ni Miss Ann Curtis”
“I like her total personality”
“She is very talented professional gifted host and actress in the Philippines I can nominate for international actress”
“IBA ANG charm TLG ni ATE Anne. Tulad nung mgpasikat lastyr,laging absent s practice at s I its showtime PERO kuminding kinding LNG at sumayaw ng konti nnalo p at 3rd placer natalo p Yung plging nagppractice hahaha”
“Yes so true 100% agree”
“Ann Curtis hindi nakakasawa ponoorin, she’s natural , not OA”
“Kht hnd ganon kganda ciang kumanta maganda ang dating”
“parang si Agelina Jolie yung isa”
“Yes at hindi toxic mga fans ni Anne”
“Basta si Anne powerful bahala kayo mha singer jan basta kakanta siya”
“Puno pa or sold out ang ticket pag may concert. ang iba magaganda nga ang boses pero mag concert daming langaw”
Sabagay, ilang beses na ring nag-concert si Anne at lahat ng ito ay pawang puno ang venue never na naging flopsina ang kanyang konsyerto.
Kaya request ng fans, kung kelan daw ba susundan ni Anne ang kanyang last concert na ginanap noong June 11, 2022, titled LUV-ANNE: The Comeback na ginanap sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.
Oo nga naman Anne, kelan nga ba? Sana sundan mo na while the iron hot.
Remember, ang movie ninyo ni Jericho Rosales ay blockbuster movie this 2026 at malapit na ring ipalabas ang Buy Bust 2 movie ninyo ni Gerald Anderson sa Netflix na surely win na rin agad.