Advertisers

Advertisers

18 ‘ex-Marines’ dapat humarap sa Senado

0 88

Advertisers

KUNG tunay ang lahat nang ibinunyag ng 18 nagpakilalang dating Marines sa isang press conference kasama ang isang pribadong abogado na nag-deliver sila ng higit P800 bilyon sa ilang kilalang politiko, kabilang na ang presidente ng bansa, at para sa International Criminal Court (ICC), makabubuting humarap sila sa Senate inquiry kapag pinatawag sila para once and for all ay mahubaran ang mga dapat kasuhan. Mismo!

Oo! Kamakailan, habang nagsasagawa ng confirmation of charges laban kay ex-President “Digong” Duterte sa International Criminal Court (ICC), biglang lumantad ang 18 ex-Marines kasama si Atty. Levi Baligod, at sa isang press conference ay ibinunyag nila na nagdala sila ng P18 bilyong cash sa mga kongresista, ilang senador, kay Pangulong “Bongbong” Marcos, at 2 milyong dolyar para sa ICC sa pamamagitan ni ex-Senator Antonio Trillanes.

Nang simulang imbestigahan ang backgrounds ng naturang “ex-Marines”, nabuking na apat sa mga ito kailanman ay hindi naging sundalo, ang apat ay maayos na nagretiro, and the rest ay “dishonorably” discharged.

Napagtanto naman ni Ombudsman “Boying” Remulla na ang higit P800 bilyon ay nangangailangan ng 13,000 malalaking maleta. “Saan nila kukunin ang ganito karaming malalaking maleta? Malabo yan!”

Tama si Boying. Hehehe…

“Dapat humarap sila sa Senado,” diin ni Boying.

Ayon kay Baligod, ang 18 ex-Marines ay mga dating badigard ng sinibak na kinatawan ng Ako Bicol Party-list na si Zaldy Co, ang may-ari ng kontrobersiyal na Sunwest Construction na sangkot sa mga “multong” govt. projects ng DPWH.

Pero nabuking na ilan sa mga naturang Marines ay naging closed security ni Vice President Sara Duterte-Carpio.

Kung susuriing maige, ang naturang Marines kuno ay pawang may personal interest, maaring pinangakuan na makabalik sila sa kapangyarihan kapag nagtagumpay ang kanilang amo sa pagsira o pagpapabagsak sa Marcos Jr. administration, o binigyan sila ng malaking halaga para magsinungaling. Mismo!

Kung totoo naman ang expose ng 18 ex-Marines, makabubuti sa kanila na humarap sa anumang imbestigasyon ng Kamara o ng Senado, hindi tulad ng ginawa noon ng isang “whistleblower” na iniharap nina Senador Rodante Marcoleta at ex-Congressman Mike Defensor na si ex-Marine Orly Guteza, na biglang naglaho matapos magkautal-utal nang tanungin ng mga senador sa Senate investigation regarding sa mga pagdadala raw niya ng male-maletang pera kina Zaldy Co at ex-Speaker Martin Romualdez.

I doubt na haharap sa anumang imbestigasyon ang naturang ex-Marines. Baka nga hindi na sila mahagilap ngayon eh.

Sinabi naman ng mga politiko na pinangalanan ng ex-18 Marines na dinalhan umano ng male-maletang pera, magdedemanda sila ng Libel/Cyberlibel laban kina Baligod, Defensor at sa naturang ex-soldiers.

Kabilang sa magdedemanda sina Palawan 2nd District Congressman Jose Alvarez, ML Rep. Liela de Lima at ex-Sen. Antonio Trillanes.

Si De Lima ay halos pitong taon nakakulong sa gawa-gawang kaso ni Digong, Nakalaya lamang siya taon 2023. Pero diniliberan daw siya ng male-maletang pera year 2022. Paano nangyari iyon eh nakakulong siya at ‘di siya kongresista that time? Yari si Baligod dito. Hehehe…