Advertisers

Advertisers

‘Warrantless evidence’ tatanggapin sa korte

0 57

Advertisers

TATANGGAPIN na ngayon ng korte ang mga ebidensiya na makukuha sa police operation kahit walang search warrant.
Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief General Jose Melencio Nartatez, Jr., alinsunod sa bagong ruling ng Korte Suprema na nagsasaad na ang mga gamit na nakuha mula sa warrantless search na admissible o maaaring tanggapin sa korte kahit hindi ito lantad o nasa plain view.
Ayon kay Nartatez, nililinaw ng naturang desisyon ang hangganan ng pagtanggap ng ebidensya sa hukuman.
Sa ilalim ng desisyon ng Korte Suprema, ang ebidensyang nakalap mula sa isang lehitimong warrantless search ay maaari nang gamitin sa mga legal na pagdinig kahit hindi agad nakita o lantad ang mga ito.
Dati, tanging mga bagay lamang na nasa plain view ang maaaring tanggapin, na nagdulot ng pangamba na maaaring hindi maisama ang mahahalagang ebidensya dahil sa teknikal na kadahilanan.
Sinabi ni Nartatez na inaasahang magkakaroon ng epekto ang desisyon ng kataas-taasang Hukuman sa mga karaniwang operasyon at imbestigasyon ng pulisya sa buong bansa.
Para maiwasan ang pang-aabuso, sinabi niyang magpapatupad ang PNP ng mahigpit na internal monitoring at mga hakbang sa pananagutan.