Advertisers

Advertisers

Pinay caregiver nasawi sa pagligtas sa alaga sa giyera sa Iran

0 24

Advertisers

NASAWI ang isang Filipino caregiver sa Israel sa gitna ng digmaan sa Middle East.
Kinilala ang nasawing OFW na si Mary Ann Velasquez de Vera, taga-Pangasinan.
Sa ulat, nasawi si De Vera habang sinusubukang iligtas ang kanyang alaga at dalhin sa shelter.
Tinamaan ng mga sharpnel ng mga bumagsak na bomba ang biktima.
Inihayag ng Embassy of Israel in the Philippines ang pakikiramay sa pamilya ng nasawing Pinay caregiver.
Inaayos na ng pamahalaan ang pagpapauwi sa labi ni Mary Anne de Vera.
Sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, na nakikipag-ugnayan na sila sa Israeli government para sa repatriation.
Gayunman, inamin ng DMW na maaaring maantala ang pagpapauwi sa labi ni De Vera dahil sarado pa ang airspace ng Israel, kaya hinihintay pa ang tamang pagkakataon para maisagawa ang pag-uwi sa labi.
Sasagutin ng pamahalaan ang lahat ng gastusin sa repatriation at funeral support.
Nagpadala narin ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng mga tauhan sa Pangasinan para alalayan ang pamilya, habang may mga personnel ng DMW sa Tel Aviv na tumutulong sa kanyang asawa.
Nagpasalamat naman si Cacdac sa Israeli government sa pagkilala kay De Vera, na itinuring na bayani dahil sa sakripisyong ipinakita nito habang ginagampanan ang kanyang tungkulin.