Alex Gonzaga, Pinasaya Ang Fan Na PWD Artist Sa Baguio City; Lance Raymundo May Intl Movie With Rhian, At Host Pa Ng Miss Teen Universe At Miss India 2025
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Mapagmahal talaga at pinahahalagahan ni Youtube Superstar Alex Gonzaga, ang kanyang fans and supporters. Tulad ng talented artist na si Mark B. Agcaoili from Baguio na isang PWD. Ayon pa sa FB post ni Mark ay nagsisilbi niyang malaking inspirasyon si Alex, hindi lang sa pagiging artista at Vlogger nito. Kundi totoo ito at mapagmahal na tao. Ang gaan raw ng pakiramdam ni Mark, tuwing nanonood siya ng Vlog ni Alex. At gustong-gusto raw makita ng nasabing artist ang iniidolong si Alex Gonzaga.
Nang makarating ito kay Alex, ay agad niyang niyakag o niyaya ang Vice Mayor na husband ng Lipa, City na si Mikee Morada. At mahigit apat na oras nagbiyahe from Manila to Baguio City ang mag-asawa para surpresahin itong si Mark.
Ang buong akala raw ni Mark ay ang Team lang ni Alex ang darating para interbiyuhin siya. Kaya laking gulat nito nang makita na lumalapit sa kanya si Alex at i-hug siya nito. Ang ikina-touch naman ni Alex at Mikee ang ginawan sila ng Portrait ni Mark na kuhang-kuha talaga nito sa pinta ang mga mukha ng popular couple. Iginuhit rin ni Mark si Toni Gonzaga na isa rin sa hinahangaan niyang celebrity. At nakahahanga talaga ang talento ni Mark at ang paa lang ang gamit nito sa pagpipinta. “Ang galing-galing mong mag-drawing, Mark. Grabe, lahat ng artista kaya mo i-drawing.” Puri pa ni Alex sa mahusay na artist from Iligan City, Isabela na dinapuan ng sakit na “meningitis” noong 11 years old siya.
Samantala, para makatulong kay Mark ay maliban sa binili nila ni Mikee na portrait, ay ipinakita ni Alex sa Bff na si Sen. Loren Legarda ‘yong mga gawa ni Mark. At nangako ang butihing Senadora na gagawa ng paraan para mabigyan ng tulong si Mark ng NCCA.
Abangan, pala soon ang bagong i-endorsong bagong product ni Alex and her beloved parents Mommy Pinty and Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga para sa endorsements ng tatlo na CHEF AYB’S PARAGIS Herbal Tea & Capsules.
*************
Bale dalawa pala ang iho-host na Beauty Pageant sa India ng singer-actor-endorser na si Lance Raymundo. This October 11 ay aalis si Lance patungong India para magsilbing pageant host ng “Miss Teen Universe” at “Miss India.” Bale Grandslam ng maituturing si Lance at twice na siyang nag-host ng Miss Teen Universe na yung una ay ginanap sa Columbia last year.
At nang maka-chikahan ko just recently lang si Lance sa Starbucks Tomas Morato ay sinabi nitong excited na siya sa kanyang India trip at hosting. Kilalang maunlad ang film industry ng India kaya sabi ko kay Lance ay malaki ang possibility, na makagawa siya ng movie sa bansang ito. Agad naman kaming sinang-ayunan ni Lance lalo’t napenetrate na nga niya ang India.
Pero, bago pa siya makagawa rito ay bibida ang gwapong actor sa isang international trilogy horror movie. Ang titulo ng 3 Episode ay The Wrath at The River na sila ni Rhian Ramos and hollywood actors ang bibida sa said episode na hindi pa pwedeng i-reveal ni Lance kung ano ang magiging role? This is directed by Jeff Solema under Spring Fairy Entertainment Productions. Actually, pagbibida pa ni Lance ay marami ng nagawang hollywood films itong si Direk Jeff. Ongoing na pala ang shooting ni Lance at may bigote siya rito na need sa kanyang character. At say pa ni Lance ay na-meet, na niya personally si Direk Jeff at Hollywood actor Rob Schneider nang ma-featured ang launching movie na “Fidel” na produced and written by Charlotte Dianco sa Hollywood. At ito ang naging daan para magkatrabaho sila ni Direk Jeff. Pero dumaan raw muna siya sa matitinding audition bago napunta ang role na ipo-portray niya sa The River. Yung project naman niya with NDM ORIGINALS ni Direk Njel de Mesa ay pangunahing bida siya rito opposite with Meghan Dionisio na soon ay ilo-launch ng Sparkle Artist. Bale part raw ito ng parating na anniversary ng NDM Orginals na isang streaming platform.
Ngayong Oct 25, 2025, at 6 PM ay isa si Lance along with his brother Rannie Raymundo sa magpe-perform sa “Himig At Tinig Para Kay Inang Maria” at gaganapin ito sa Filinvest Tent. Makakasama rito ng magkapatid ang kapwa Marian devotees na sina Angeline Quinto, Frenchie Dy, Laarni Lozada. Ididirek ni Alen dela Cruz ang Tribute Concert for Mama Mary. And for ticket details, just visit HOPE-Happiness of Praying Everyday.