Advertisers

Advertisers

Vice Ganda mas feel tawaging “Sir”

0 9

Advertisers

Nilinaw ni Vice Ganda na wala siyang isyung matawag na “Sir,” anuman ang kanyang kasuotan o itsura.

Sa segment ng It’s Showtime na “Laro Laro Pick” noong Setyembre 30, 2025, naging tampok ang usapan sa pagitan ni Vice at ng contestant mula Ilocos na si Tony 1K. Habang nagbibiro si Vhong Navarro tungkol sa pangalan ni Tony, ipinaliwanag ng contestant na tinawag siyang “1K” dahil sa kakaibang kuwento ng kanyang kapanganakan.

Matapos marinig ang paliwanag, nagbiro si Vice at tinanong si Tony kung maganda ba si “Sir.” Agad namang sumagot ang contestant ng, “Maganda, Sir. Maganda po.”



Dito nilinaw ng komedyante-TV host na ayos lamang sa kanya ang ganoong pagtawag. Aniya, “Let’s normalize me being called ‘Sir.’ I am okay with that.” Dagdag pa ni Vice, panahon na para hindi gawing isyu ang mga ganitong simpleng bagay at tanggapin ang pagkakaiba ng bawat isa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">