Advertisers
NAHARANG ng Bureau of Customs at Inter-agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang isang shipment sa isang warehouse sa Ninoy Aquino International Airport noong Lunes, Oktubre 6, 2025, napag-alaman sa ulat kahapon.
Ang mga shipment ng tatlong (3) styrofoam na sumailalim sa x-ray scanning machine ay nagmula sa Vietnam at idineklara bilang e-commerce consolidated packages kung saan nadiskubreng naglalaman ng 16,150 gramo ng methamphetamine hydrochloride, lokal na kilala bilang shabu, na tinatayang may standard value na ?109,820,000.00.
Ang mga nasabat na iligal na droga ay itinurn-over sa PDEA para sa kaukulang disposisyon at karagdagang imbestigasyon.
Samantala, ang dalawang kinatawan ng consignee logistics company ay inaresto on-site dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Ang kaso ay bumubuo rin ng mga paglabag sa Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act), partikular sa Section 1400 (Misdeclaration), Section 1401 (Labag sa Batas na Pag-angkat at Pag-export), at Seksyon 117 o Regulated Importation and Exportation. (JOJO SADIWA)