Advertisers

Advertisers

1 patay sa 7.4 magnitude na lindol sa Davao Oriental

0 15

Advertisers

Nasawi ang isang babae nang yanigin ng 7.4 magnitude na lindol ang Manay, Davao Oriental nitong Biyernes, ayon kay Governor Nelson Dayanghirang.

Ayon kay Ednar Dayanghiran, Office of Civil Defense XI, Regional Director, tinamaan ang biktima ng nabagsakan ng hollow block sa Calapangan, Lupon, Davao Oriental kung saan isang gusali ang gumuho.

Sa kasalukuyang, nagsasagawa ng mga “search and rescue operation’ sa mga epektadong mga residente at pag-assessment sa idinulot na pinsala ng lindo.



Nagpatupad na rin ng preemprive evacuation and Lokal na pamahalaan sa mga bybayin ng Brg.y ng Davao orieintal matapos na maglabas ng tsunami warning ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Kaungay nito, inalerto na ng Philippine National Police (PNP) ang Police Regional Office XI at Caraga Region upang tumulong sa mga lugar na apekado ng tumamang lindo.

Ipinag-utos ni Nartatez na makipagtulugan sa mga Local Government Unit (LGU) na naapektuhan ng malakas na lindol at tiyakin ang pagpatupad ng kaayusan ng seguridad.

Itinaas na rin sa full alert status ang buong puwersa ng PNP sa Caraga Region at Police Regional Office 11.



Ayon sa gobernador, may ilang gusaling nasira habang nagpapatuloy ang assessment ng mga awtoridad. Sinuspinde ang klase at trabaho sa mga pampublikong paaralan at tanggapan, at pansamantalang ipinagbawal ang pagpasok ng mga residente sa ilang ospital bilang pag-iingat.

Nakaranas din ng pagguho ng lupa at pagkawala ng kuryente sa ilang lugar, ngunit nanatiling maayos ang operasyon ng mga pantalan.

Samantala sa initial na report na natanggap PNP, sinabi ni BGen Randulf Tuano, PNP Spokesperson na sa Caraga na hindi na umano madaanan ng lahat ng uri ng mga sasakayan ang Magsaysay Bridge sa Butuan City. Nakarnas rin ng mga power interruptions.

Sa report ng Regional Director ng Davao meron tayong damage sa property specifically sa Panabo City Police Station kung saan ‘yung water tank doon sa kanilang police station, nasira at meron din isang nangyari na perimeter fence damage sa Talaingod MPS. Ang Panabo CPS at Talaingod MPS, kapwa sa Davao del Norte PPO.

Aniya, patuloy naman ang isinasagawang relief operation, security operation at assessment upang matukoy ang pinasalang dulot ng lindol. (Mark Obleada)