Advertisers

Advertisers

Alden Richards aminadong napagod bilang aktor, producer at direktor ng pelikula

0 17

Advertisers

PATOK sa mga manonood ang ‘Out of Order,’ ang unang pelikulang idinirehe ni Alden Richards, na nagsimulang mapanood sa Netflix noong Oktubre 2, 2025. Sa loob lamang ng ilang araw, No. 1 na ito sa Top 10 Movies in the Philippines.

Ayon kay Alden, pinili nilang ilabas sa streaming platform ang pelikula dahil sa “very sensitive” nitong tema tungkol sa korapsyon at kawalan ng hustisya sa lipunan. Aniya, mas malaya siyang nakapagpahayag sa Netflix dahil hindi kailangang sumunod sa “commercial formula” ng mga pelikulang ipinalalabas sa sinehan.

Nauna na itong napanood sa international film festivals kabilang ang Da Nang Asian Film Festival sa Vietnam at Jagran Film Festival sa India.



Bukod sa pagiging direktor, si Alden din ang aktor at producer ng pelikula sa ilalim ng kanyang kompanyang Myriad Entertainment Corp., katuwang ang Viva Films at aminado ito na nakakapagod ang tatlong tungkuling ginampanan, pero labis niyang ipinagmamalaki ang resulta. “Sobrang fulfilling,” ani Alden. “Ngayon ko lang na-realize kung gaano kahirap ang trabaho ni Coco Martin.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">