Advertisers

Advertisers

ANGELU AYAW ITAPON ANG TSHIRT NA BUTAS-BUTAS

0 9

Advertisers

Ni Beth Gelena

Kinagiliwan ng netizens ang candid post ni Angelu de Leon tungkol sa kanyang lumang pantulog.

Ani ng aktres-konsehal sa kanyang FB account: “Aminin, may mga damit kayong ang hirap i-let go

Sobrang luma na pero ang sarap pa rin pantulog o pambahay.”

Sa posted photo ay suot niya ang cotton shirt na butas.

Maraming netizens ang nakarelate at nagbiro tungkol sa sarili nilang “butas-butas” na damit.

Nag-reply pa si Angelu sa mga komento ng netizens, pinatunayan niya ang pagiging simple at makatao.

Aniya pa, “Sobrang luma na pero ang sarap pa rin pantulog o pambahay.”

May mga nagsabing pareho sila ni Angelu pagdating sa comfort clothes, habang ang iba naman ay natawa sa katotohanang kahit artista ay may ganitong simpleng bisyo.

Isa sa mga nagkomento ang nagsabing, “So true. Including pa nga underwear,” habang isa pa ang nagbiro ng “Yeah, my free aircon.”

Ang pinakanagpasaya sa lahat ay ang comment ng isang netizen na nagsabing, “Uyy kala ko kami lang gumagawa niyan, pati pala artista.”

Game na game naman ang aktres sa kanyang sagot:“Oo naman, sarap pantulog!”

Sa simpleng pakikisalamuha ng aktres-konsehal marami ang humanga sa pagiging totoo niya at sa kakayahang makihalubilo sa mga ordinaryong tao.

Sa panahon ngayon kung saan uso ang pagpapakita ng glamour at branded lifestyle online, refreshing para sa marami na makita ang isang public figure na tulad niya na walang arte at proud sa pagiging simple. Maraming netizens ang nagpahayag ng paghanga, sinabing gusto nila si Angelu dahil “hindi nagbago” at “palaging grounded kahit matagal na sa showbiz.”

Ang ilan pa ay nagbahagi ng sariling mga kwento tungkol sa mga lumang damit na “hindi pwedeng itapon dahil may sentimental value.”

***

Dalawang babae na may koneksyon kay Bossing VIc
DINA HANGA KAY CONNIE SA PAGPAPALAKI KAY MAYOR VICO, WALANG IAYU KAY PAULEEN

Ayon sa beteranang aktres na si Dina Bonnevie wala siyang isyu sa wifey ng kanyang ex husband na si Vic Sotto na si Pauleen Luna.

Si Dina ang first wife ng komedyanteng TV host, at nagkaroon sila ng dalawang anak — Danica at Oyo.

After ng ilang taon nilang pagsasama ay nagkahiwalay sila hanggang sa na-annulled na ang kanilang kasal.

Nagkaroon ng relasyon sina Vic at Coney Reyes, ang lady co-host nila sa Eat Bulaga at nagkaroon sila ng anak, na Pasig mayor na ngayon, si Vico Sotto.

Si Pauleen Luna ay lady co-host din ng EB at sa dalaga nakasal si Bossing Vic.

Present ang mga anak ni Vic nang ikasal sila ni Pauleen, very supportive kasi ang mga ito sa bagong pamilya ng kanilang ama.

Sa isang panayam noon sa beteranang aktres, pawang magagandang salita ang sinabi ni Dina nang matanong ito about sa dating partner ni Vic na si Coney Reyes at sa asawa nitong si Pauleen.

Ani Dina, hinangaan niya kung paano pinalaki ni Coney si Pasig City Mayor Vico Sotto. Nag-hi-hello sila ni Coney tuwing may pagkakataon silang magkita.

Ibinahagi naman ni Dina na kakakilala lang nila ni Pauleen pero hindi pa sila nakakapag-usap ng mahaba.

Sa panayam kamakailan, ng sinabi ni Dina na wala siyang isyu kay Pauleen.

Mabait at magalang daw ang asawa ni Vic.

“Pauleen is very nice naman to me. Magalang siya and there’s never an occasion na hindi niya inilapit sa akin si Tali. Si Mochi, kailan ko lang nakilala, sa birthday, ” pagbabahagi ni Dina.

Nagustuhan din ng batikang aktres ang katotohanan na iginagalang siya ni Pauleen bilang unang asawa ni Vic, at bilang ina nina Danica at Oyo.

“She still acknowledges the fact na ito ang unang asawa ng asawa ko, and ito ang nanay ng anak ng asawa ko. So, I don’t have any issue with her. She’s very respectful, very kind naman,” sabi pa ni Dina.

Dagdag pa niya, nagustuhan daw niya na talagang mag-e-effort si Pauleen na imbitahan ang mga anak ni Vic sa dinner get-together na kanyang ino-organize.

***

SARAH LAHBATI AGAW EKSENA sa PFW

Agaw-eksena si Sarah Lahbati nang magsalita siya ng fluent sa sa Paris Fashion Week.

Nakatutok sa kanya spoglight habang na-amaze ang netizens nang matatas siya nagsalita ng French sa kanyang pagrampa sa PFW.

Sa isang video na inilabas ng isan ipinahayag ni Sarah ang kanyang pananabik para sa Mugler show, na una niyang dinaluhan.

Ang aktres ay ipinanganak sa Switzerland at hindi lang siya sa wikang Pranses matatas magsalita kundi maging sa German at Arabic.

Mabilis na nagviral ang video, na umani ng papuri at mapaglarong komento online.

Sa clip na ibinahagi ng magazine, makikita si Sarah na kumpiyansang nagsasalita ng French.

Ibinahagi ng aktres kung gaano siya natuwa nang masaksihan ang pagtatanghal ng iconic fashion brand, na kamakailan ay tinanggap ang isang bagong creative director na si Miguel Castro Freitas na isang Portuguese.

Paris-based na ang designer at dating nagtrabaho sa mga high-end na fashion house gaya ng Dior, Dries Van Noten, at Yves Saint Laurent.

Ang kaganapan ay isang star-studded affair, na dinaluhan ng mga international celebrity tulad nina Elizabeth Berkley at Pamela Anderson.

Sa parehong video, nakitaan din si Sarah ng mainit na pagbati sa kapwa Pinay star na si Anne Curtis, na present din sa iba’t ibang PFW shows.