Advertisers

Advertisers

Labis ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kaibigan at itinuring na kapatid… Soft Rock Diva Rozz Daniels ‘Di Iniwan Si Ms. Blessie Cirera Hanggang Sa Huli!

0 48

Advertisers

Ni Peter Ledesma

Sa showbiz, na aking ginagalawan ay mabibilang mo lang talaga sa daliri ang totoong artista o singer. Kaya nga madalas mong mariring ay ang salitang “Gamitan.” At dito naiiba ang tinaguriang “SOFT ROCK DIVA” of Entertainment Industry na si Rozz Daniels. Minahal niya ng labis-labis si Ms. Blessie Cirera hindi lang bilang manager niya kundi kaibigan at itinuring pang kapatid ang aming Patnugot sa mahigit 2 dekada dito sa POLICE FILES TONITE.

Labis ang pagdadalamhati ni Ms. Rozz sa pagkawala ng nasabing bestfriend na mahal na mahal niya at hindi iniwan hanggang sa huli. Nang mabalitaan ni Ms. Rozz ang nangyaring aksidente kay Ms. Blessie na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Agad na sumaklolo si Ms. Rozz. Kasama ng showbiz writers and vloggers na sina Benny Andaya at Timmy Basil also Jimmy Escala ay agad na nagtungo sa Navotas Hospital si Ms. Rozz para alamin ang totoong kalagayan ni Ms. Blessie at damayan ang pamilya nito. Hindi na nila naabutan ng buhay ang kanyang bff at trusted manager. At sobrang shock ang mabait at sweet na singer sa nangyaring ito kay Ms. Blessie. Pero wala naman siyang magagawa dahil hindi naman natin hawak ang ating buhay.



Pero ayon sa pagkakakilala ko kay Ms. Rozz, kung naabutan lang nitong buhay si Ms. Blessie sa ospital ay handa siya at ang kanyang husband si Sir David na gumastos, madugtungan lang ang buhay ng kaniyang kaibigan. At ang maganda at maipupuri mo kay Ms. Rozz, ay hindi niya ipinag-iingay o ibinibida ang mga naibigay at mga naitulong niya kay Ms. Blessie since magkakilala sila nito mula noong Pandemic. At intact yung friendship nila hanggang sa mawala nga ito. At hanggang kamatayan ay patuloy ang pagmamahal ni Ms. Rozz. At kahit hindi siya magkuwento at mag-ingay. I know by Heart, na hinding-hindi nito pinabayaan ang medyo hard-up, sa buhay na si Ms. Blessie na from hospital bill nito hanggang sa wake nito ng halos one week sa Dulce Funeral Homes at burial expenses sa Valenzuela Memorial Park, nito sa ay alam naming sinagot ito ni Ms. Rozz. Siyempre, may iba pang mga tumulong. At yes totoo, very-very unconditional at eternal ang “LOVE” ni Rozz kay Ms. Blessie. “Blessie and I are not just friends but we are sisters, every day she called me morning and night time. During morning around 9:00 am.” Bahagi pa ng FB post ni Ms. Rozz, na patungkol sa ilang taon ng kaibigan. At ganoon rin ka-sweet at magmahal si Blessie sa kaniya. Parati niyang ibinibida ang mga kabaitan at kabutihan sa kanya ng bestfriend si Rozz. At isa ako, sa madalas mapagkwentuhan ni Ms. Blessie tungkol rito.

By the way, inihahandog pala ni Ms. Rozz ang kanyang kauna-unahang Christmas single na, “MY ONE LOVE ON CHRISTMAS DAY” sa super LOVE na si Blessie. Composed ito ni Doc Mon del Rosario. Available na rin ito at pwede na ninyong ng ma- Stream sa SPOTIFY, APPLE MUSIC, at YOUTUBE. May pa-Tribute rin pala si Rozz, kay Ms. Blessie para sa nalalapit na first Solo Concert titled “A NIGHT WITH ROZZ DANIELS” sa VIVA CAFE sa Nov. 25, 2025. Special guest rito si Mon Del Rosario with other surprise guests. From of all us here in PFT, sa pangunguna ng aking mga bossing na kind and sweet Publisher couple Ma’am Lenie and Sir Joey Venancio. Our heartfelt Condolences to Ms. Rozz and Sir David Daniel, at sa mga naulilang Pamilya ni Ms. Blessie. RIP to you, at maligayang Paglalakbay sa Itaas mahal kong kaibigan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">