Advertisers

Advertisers

ECHO MUNTIK MAPUTULAN NG DALIRI

0 23

Advertisers

Ni Beth Gelena

Naaksidente si Jericho Rosales, kamakailan.

To the rescue naman agad ang girlfriend niya si Janine Gutierrez, hindi lang siya kundi kasama ang kanyang pamilya.

Maging ang fans ng actor ay nagaalala sa kanyang kalagayan nang ipaalam niya ang horrific accident that nearly cost him his finger.

Agad namang nasa tabi ni Echo ang girlfriend with her family stood by his side, demonstrating a powerful love and support that left, Jericho deeply moved and impressed.

In a shocking Instagram post, Echo ibinahagi ni Echo ang naka bandaged niyang kamay at ang X-ray, sinulatan niya eto ng caption: “My mustang ate my point finger.”

Kahit hindi na siya nagbigay ng specific details ng nangyaring aksidente, ang imahe and the brief description ay sapat na sa mga fans to grasp the severity of the situation.

Pakli pa ng aktor sa naranasang Jericho experience, “nail avulsion” —a condition where the nail is partially or completely torn away from the nail bed.

This is a serious and extremely painful injury with a high risk of complications if not treated promptly.

Aniya, ang mawalan daw ng isang bahagi ng parte sa katawan ay major shock para sa kanya.

But for Echo, what he felt most profoundly was gratitude that his finger was still intact.

“I’m so thankful my finger is still here.”

After nang nangyaring

accident, para raw agad na marecover ang injured nail ay bumisita siya sa professional nail spa.

Nakuha pa niyang magbiro, “perhaps my finger needed “a new skin.”

Post ng aktor sa social media posts, hindi raw siya iniwan ni aktres. Hindi lang daw si Janine ang nasa tabi niya kundi ang kapatid ng aktres na si Max ang ama nitong si Monching.

“They all held my hand,” aniya.

Komento ng isang commenter, “It’s so lovely to see Janine’s family loving Jericho so much.”

***

8 MMFF 2025 ENTRY KUMPLETO NA!

Kumpleto na ang 2025 lineup ng Metro Manila Film Festival (MMFF)
Ang natitirang apat na pelikula na nasama sa listahan ng mga opisyal na entry para sa festival ngayong taon ay inihayag na nitong nakaraang Biyernes.
Kasama sa ikalawang batch para sa taunang MMFF ay:

“Ako ay Perpekto,” starring Krystel Go and Earl Amaba, actors with Down syndrome, alongside showbiz veterans Joey Marquez, Lorna Tolentino, Tonton Gutierrez and Sylvia Sanchez kung saan siya ang who produce under her production Nathan Studios. Sa direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo.

“Love You So Bad,” Isang collaboration project sa pagitan ng ABS-CBN Films at GMA Pictures, ang mga bida sa pelikula ay ang mga PBB alumni na sina Bianca de Vera, Dustin Yu at Will Ashley, na naroroon sa event, kasama ang direktor na si Mae Cruz-Alviar.

“UnMarry” — Pinag-uusapan ng legal na drama ang sakit at paglalakbay ng isang annulment. Ito ang comeback movie ni Angelica Panganiban together with Zanjoe Marudo under the helm of award-winning director Jeffrey Jeturian.

“Bar Boys: After School” — Kumpleto sa eight-film lineup ang pelikulang ito na nag-uusap tungkol sa pagkakaibigan, kapatiran at pangarap at pinagbibidahan nina Carlo Aquino, Kean Cipriano, Enzo Pineda, Klarisse de Guzman, Will Ashley at iba pa, sa direksyon ni Kip Oebanda.

Ang apat na pelikulang ito ay kasali sa unang batch ng MMFF entries para sa ika-51 na edisyon nito, na inihayag noong nakaraang Hulyo.

Nauna nang inihayag ang “Call Me Mother” starring Nadine Lustre and Vice Ganda, directed by Jun Robles Lana.

“Rekonek” starring Gerald Anderson, Gloria Diaz, Alexa Miro, Carmina Villaroel, and Zoren Legaspi, directed by Jade Castro.

“Manila’s Finest” starring Piolo Pascual, directed by Rae Red.

“Shake, Rattle and Roll: Evil Origins” starring Ivana Alawi, Francine Diaz, Kaila Estrada, Fyang Smith, Loisa Andalio, Manilyn Reynes, Janice de Belen, Carla Abellana, Ysabel Ortega, Ashley Ortega, Elijah Alejo, Richard Gutierrez, Ryan Bang, JM Ibarra, Dustin Yu at Seeds Fed Ian Lorenos

Samantala, ang MMFF 51st Parade of Stars ay magaganap sa Disyembre 19, habang ang Gabi ng Parangal ay gaganapin sa Disyembre 27.

***

RUFFA HANGA SA KATATAGAN NG LAKAS AT KATATAGAN NG PILIPINO

Naging emosyonal si Ruffa Gutierrez sa katiwalian, pagbaha, lindol sa PH.

Ibinahagi ni Ruffa ang kanyang dalamhati sa umano’y pagbaha ng katiwalian sa gobyerno at mga lindol kamakailan sa Cebu at Davao City.

Aniya, masakit sa kanya na makitang naghihirap ang mga Pilipino ngunit hinahangaan niya ang kanilang lakas at katatagan. Mula sa isang paglalakbay sa Singapore, inihambing niya ang kahusayan at disiplina nito sa sitwasyon sa Pilipinas na nagnanais ng katulad na pag-unlad sa tahanan.

Nagbigay ng mensahe sa pamamagitan ng panalangin ang former beauty queen para sa isang kinabukasan kung saan ang bawat Pilipino ay mabubuhay nang may dignidad at ng pag-asa.

Ibinahagi ng aktres sa social media ang kanyang mga saloobin sa mga pagsubok na kinakaharap ng Pilipinas kamakailan, mula sa umano’y katiwalian sa mga proyekto ng pamahalaan sa pagkontrol sa baha hanggang sa mapangwasak na lindol sa Cebu at Davao City.

Sa isang madamdaming post, ipinahayag ni Ruffa ang kanyang kalungkutan sa sunod-sunod na mga krisis na nagdulot ng paghihirap ng maraming Pilipino, sinabing nadudurog ang kanyang puso na makita ang paghihirap ngunit nagbibigay din siya ng inspirasyon na hangaan ang katatagan ng kanyang mga kababayan.

Aniya, “Sunod-sunod ang nangyayari sa ating bansa—nakakaiyak talaga. From the shocking political corruption expose, to the severe flooding, and now the earthquakes… ang sakit sa puso makita ang mga kababayan nating patuloy na naghihirap, pero patuloy ding lumalaban. Galing sa Singapore, kung saan ang lahat ay episyente, moderno, at mahusay na binalak—mula sa imprastraktura hanggang sa mga pampublikong sistema at disiplina ng mga tao—mahirap na hindi maghangad ng ganoon para sa ating minamahal na Pilipinas. Dalangin ko na isang araw, tayo at ang ating mga anak ay mabuhay upang makita ang isang progresibong bansa kung saan ang bawat Pilipino ay maaaring umunlad nang may dignidad, pagkakataon, at pag-asa. Isang hinaharap na tayo, at ang mga susunod na henerasyon, ay tunay na nararapat.”