Advertisers

Advertisers

Fyang aminadong naging pasaway

0 26

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Nagbigay ng kanyang panig si Fyang Smith ang ilang mga isyung ipinupukol sa kanya.
Isa na rito ay tungkol sa isang viral na video kung saan nakita siyang hinahampas noon ang isang marshal.

Sa nasabing clip na kumalat online, nabatikos ang PBB Gen 11 winner na masama ang ugali, mayabang at uma-attitude.

Nilinaw ni Fyang sa vlog ni Ogie Diaz na ang lalaking marshal na nakita sa viral video ay hindi lang basta marshal kundi isang kaibigan, tropa at pamilya para sa kanya.

Ipinaliwanag din Fyang na ang mga tao ay nagkamali ng interpretasyon dahil hindi nila nakikita ang kanilang bonding off-camera na hindi raw naman niya gagawin sa sinumang hindi close sa kanya.

Tungkol naman sa ibang isyu, nangyari raw ang karamihan doon noong panahong wala pa siya sa “Bahay ni Kuya” lalo pa’t nagsimula naman talaga siya bilang social media influencer.

Aniya, hindi raw naman siya perpekto at inaamin niya na minsan ay nagkakamali talaga siya.

Pero, ang mahalaga raw ay natuto na siya sa kanyang mga pagkakamali.

Taliwas din sa iniisip ng marami, hindi raw siya pinababayaan o kinukunsinti ng kanyang management.

Katunayan, madalas daw ay pinatatawag siya sa 12th Floor ng ABS-CBN Building para sabunin ni Direk Lauren Dyogi, head ng Star Magic.

“Lagi po akong pinapagalitan ni Direk Lauren,” ani Fyang. “Every time na may lalabas, ang laking issue na, sobra, parang pumatay ako ganun. Sa buong issue ko na yun, everyday nasa 12th floor talaga ako, Tito Oggs, [ng] office,”kuwento niya.

Ani Fyang, malaki raw ang respeto niya kay Direk Lauren, na tinuturing na niyang kapamilya at tumatayong “tatay” niya.

Isa pa raw sa mga umaakay sa kanya ay ang kanyang nanay at ang screen partner na si JM Ibarra na pinagsasabihan din siya kapag may nakita ang mga itong ‘off’ sa kanyang ginawa.

Hirit pa niya, hindi raw naman siya pikon sa mga pumupuna sa kanya bagkus open daw naman siya sa constructive criticism para maitama kung ano man ang kanyang mga kakulangan.

Meanwhile, labis naman ang suportang ipinakita ni Fyang sa love team partner niyang si JM Ibarra na may launching movie bilang bida sa Cinemalaya movie na “Child No. 82.”

Present din si Fyang sa halos lahat ng screening ng movie ni JM na ipinagpapasalamat naman ng huli.