Nabuo Ang Pelikula Dahil Kay Ex-Pres. Gloria Macapagal Arroyo! “SPRING IN PRAGUE” Ipinagmamalaking International Movie Ni Atty. Ferdie Topacio
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Kilalang dekalidad, ang mga pelikulang ginagawa ng BORRACHO FILMS ng icon lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio at ilang kaibigang kasosyo niya rito. Tulad ng naipalabas na sa sinehan at NETFLIX na 2022 controversial action-drama movie na “Mamasapano: Now It Can Be Told.” At winner ito dahil, naging number one movie sila ng mahigit 2 weeks sa Netflix.
And now, isang international film project, ng Borracho na “Spring In Prague” ang buong ningning na ipinagmamalaki ni Atty Topacio sa lahat. At ang mga bida niya sa said movie ay tambalang Paolo Gumabao, na mahusay na actor at sikat na Czech actress-model na si Sara Sandeva. Lalo na napiling entry ng Pilipinas ang Spring In Prague sa ASIAN FILM FESTIVAL. At ginanap ito last September at naging matagumapay ang event.
Pero, paano nga ba nabuo ang Spring In Prague? Well, sobrang na-inspired kasi sa ganda ng bansang Prague Czech Republic ang dating Pangulo ng Pilipinas na ngayo’y Kongresista na si Madam Gloria Macapagal- Arroyo. Kaya agad na na-conceptualize at pinroduced ng five star lawyer-producer na si Atty. Ferdinand Topacio under his Borracho Films ang nasabing international movie.
Well ito pa, nagkasama kasi sa bakasyon nila two yesrs ago sa Prague si Atty. Topacio at long time couple friends niya na sina Congw Gloria Arroyo at former first Gentleman Mike Arroyo at iba pang entourage. Kaya na-inlove sila sa napuntahan nilang mga tourist spot sa Prague.
Samantala, dumalo pala sa Asian Film Festival ang female lead star ng Spring In Prague na si Sara Sandeva. Naroon rin sa said festival si Philippine Ambassador to the Czech Republic Eduardo R. Meñez at Ging Omaga Diaz na Philippine Embassy charges D’Affaires.
Ipinalabas ang Spring In Prague na entry ng Pilipinas sa Asian Film Festival. Aside from Paolo and Sara ay kasama rin sa beautiful drama-love story movie sina: Ynah Zimmerman, Tori Topacio and veteran comedian Che Lejano at ilang magagaling na foreign actors. Spring In Prague, is directed by Lester Dimaranan. Si Jesy Vidal, na talent ng Borracho ang kumanta ng themesong ng said movie. Spring In Prague, will be show on February 14, 2026 in Cinemas Nationwide. May mga naka-line up pang movies ang Borracho Films ngayong 2026.