Ang Espesyal Ng Treatment Sa Kanya! Lance Raymundo, Successful Ang Hosting Sa MS. TEEN UNIVERSE At MR. At MRS. INDIA; Talent Manager John Rey Malto, Susurpresahin Ng Mga Alaga Sa Birthday!
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Bago tumulak patungong India si Lance Raymundo, bale he and Yza Uy, hosted the Grand Coronation Night of “48th MRS UNIVERSE held at the Grand Ballroom of Okada Manila. At nakapag-rehearse na rin para sa kanilang nalalapit na Oct 25 Himig At Tinig Para Kay Inang Maria Concert Sa bansang India, naman ay ang ganda at espesyal, ng treatment kay Lance Raymundo ng mga organizer sa mga hinost nitong Final Nights ng Miss Teen Universe 2025, at Mr and Mrs India na parehong ginanap sa Jaipur, India na napanood ng live sa ZEE STUDIO, JAIPUR. Una, Lance recieved “Bindi” on his forehead, upon entering Lohagarh Fort, Jaipur India.
Bale pangalawang beses, ng nag-host ng Miss Teen Universe si Lance kaya Grandslam host na siya sa bansang India. After ng kanyang hosting ay babalik na ng bansa si Lance para ipagpatuloy ang ginagawang international horror-action trilogy movie na bida sila ni Kapuso actress Rhian Ramos sa episode titled “THE RIVER.” Also ang project ng singer-actor host sa NDM ORIGINALS ni Direk Njel De Mesa na “Time Heals” opposite with the Pretty newcomer Meghan Dionsio. Ipapalabas na ito soon sa Digital Platform ng NDM Originals.
This coming Oct. 25, naman sa The Filinvest Tent sa Muntinlupa, City along with his famous also brother Rannie Raymundo ay magpe-perform sila para sa “HIMIG AT TINIG KAY INANG MARIA” na Tribute Concert for Mama Mary. Makakasama nila rito sina Angeline Quinto, Frenchie Dy, Laarni Lozada. Ididirek ito ni Alen Dela Cruz. Tickets are available at HOPE-Happiness of Praying Everyday. Please visit and follow their Facebook Page.
***
Magse-celebrate ng kanyang kaarawan, ang Talent Manager at Songwriter na si John Rey Malto, na maraming alaga na ang maganda at talented Recording Artist na si Joice Espinoza, na malakas sa social media at madalas na mag-viral, ang mga TV guestings. Patuloy pa rin ang pagpo-promote ni Joice ng kanyang latest single na “PANGAKO MO” na sa sikat na sa buong Pilipinas at abroad. Nagwagi rin si Joice ng Silver Medal World Music last 2024 mula sa GLOBAL.MUSIC AWARDS para sa single na Pangako Mo.
Tiyak na maliban kay Joice, ay darating din ang iba pang mga alaga ni John Rey, upang surpresahin sa kanyang Birthday, na gaganapin sa mismong special na araw nito sa Oct.22 sa kilalang venue sa may Panay Avenue, Quezon City. Siyempre dadalo rin ang mga kaibjgan nito at mga kasamahan sa trabaho. HAPPIEST BIRTHDAY, in advance John Rey Malto.