Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Viral ang isang TikTok video kung saan sinorpresa si Bea Alonzo ng ilang kasambahay bago sumapit ang kanyang kaarawan.
Sa pasorpresa sa kanya, kasama niya ang kanyang boyfriend na si Vincent Co ng Puregold.
May mga kate-katera namang nakapansin ng pagtaba ng magaling na aktres sa nasabing video.
May mga pa-savage pang nagbigay agad ng kuru-kurong buntis ito.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“visible ung baby bump? or delulu lang Ako… sana pregnant talaga si B.”
“Parang pregy na siya?”
“Parang may nakita ako ikakasal na raw sya sa october.”
“is she pregnant? if yes, im so happy for her!!”
“If she really is married & preggy already, good for herrrrr!! Finally so happy”
“parang buntis na syaaa nyaay congratssss”
“pregyyyy na po ata siya”
“OHHHHHH M G!!!! So happy for heeeeeer!!!!”
“Preggy sya”
“yay preggy na”
“awww my heart is so happy to see you happy Queen B”
“i’m happy for her kung preggy sya”
“endgame!”
“Omg preggy na.”
“Im so happy.”
“Truly the beginning of her happiest era”
“Well deserve??Grabe Princess treatment… halatang inlove na inlove and happy sila and pinakabongga pa dun is c guy ang tangkad very manly,kayang kaya kaya kang protektahan at e baby”
“omg!!!!!!”
“After all may forever na tlga c basya”
“Ang saya”
“buntis ba sya? or maybe dahil lang sa dress niya.”
“tumaba Siya parang preggy na siya”
“may baby bump Siya”
“baka busog lang”
Bukas naman ang pahinang ito sa panig ni Bea at Vincent hinggil sa isyu.
Anyway, kung buntis man si Bea, wala namang masama dahil nasa edad na naman siya at deserved niya to happy after all those heartaches na naranasan niya.
****
Manny at Jinkee, lolo’t lola na
Nagkaroon ng espekulasyon na magiging grandparents na sina Manny at Jinkee Pacquiao nang minsang sighted sa isang pagtitipon ang mag-asawa kasama ang panganay na si Jimuel at ang dyowa nito.
Napansin ng mga katkatera na tila malaki na ang tiyan ng babae kaya nagkaroon ng suspetsa na on the family way si girl.
Lately, nakumpirma na buntis nga ang nobya ni Jimuel.
Masayang ibinahagi ni Jinkee ang video ng simpleng gender reveal ni Jimuel at ng kasintahan nito sa Facebook kung saan marami ang nagbunyi.
Sa post niya, inamin ng asawa ng Pambansang Kamao na nagulat siya na babae ang kanyang magiging apo dahil iba ang inaasahan niya.
Gayunpaman, sinabi niya na proud mamita raw siya at happy sa panibagong blessing na natanggap sa pamilya.
Sa post niya, kasama rin ang mga litrato ng kanyang panganay noong bata pa ito at kinakalong niya.
Aniya: “The day I became your mother, my world changed instantly. It marked the start of a new version of myself, one that is tender, tired, and transformed. Time flies so fast na ikaw ang karga karga ko noon sa susunod na buwan ang apo ko naman ang kakargahin ko.”
“Grabe, kapaspas gyud sa panahon sunod bulan naa na koy apo. So grateful to God. He is indeed good all the time!,”dugtong niya.
Ang anak niyang si Jimuel ang dating dyowa ni Heaven Peralejo.