Advertisers
By Anne Vennacio
Babawi ang aktres na si Yen Santos sa kanyang pagbabalik-showbiz matapos ang walong taon pahinga sa pamamagitan ng bagong serye na “The Loyalty Game” na mapapanood sa Prime Video.
Aniya, ang kanyang mahabang pagkawala sa industriya ay naging panahon ng paghilom, pagninilay, at muling pagtuklas sa sarili. Matatandaang naging kontrobersyal noon ang aktres nang ma-link siya kina Chavit Singson at Paolo Contis.
“Mahaba ang proseso pero kailangan. Sobrang hirap pero kailangan kong pagdaanan yun para mahanap ko ulit yung sarili ko,” paliwanag nito.
Aminado ang aktres na nung panahong wala siya sa spotlight, dumating sa puntong nawala ang kanyang direksyon bilang artista.
“Nawala ko yung kung sino ako. Hindi na ako productive, hindi ko na nagawa ang gusto ko,” dagdag niya.
At sa kanyang pagbabalik, panibagong yugto ito ng kanyang buhay at karera. Mas pinahahalagahan na niya ngayon ang self-love at mas maingat na pagtingin sa sarili.
“Pwede kang magmahal, pero huwag mong kakalimutan kung sino ka,” giit nito.