Advertisers

Advertisers

Donny aminadong madiskarte/iginit na di nepo baby

0 3

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Ayon kay Donny Pangilinan, bata pa lang siya ay iminulat na sa kanya ng kanyang mga magulang ang kahalagahan ng paghawak ng pananalapi.

Payo raw kasi sa kanya ng parents niya na kung may minimithi siya sa buhay ay kailangang pagtrabahuhan niya ito.

Kaya kung may gusto raw siyang gadget o portable playing device ay talagang pinag-iipunan niya.

Sa murang edad ay masinop na rin daw siya dahil nagtitinda raw siya noon ng ice candy sa kanilang neighborhood at maging load sa mga kakilala niya na kanya namang iniipon.

Pinalalago rin daw niya ang kanyang ipon sa pamamagitan ng pagpapautang ng kanyang pera.

Pero kung nagpapataw man daw siya ng interes ay iyong sapat lang at hindi siya iyong tipong usurero.

Isa pa raw sa ginagawa niya noon ay ang masahehin ang kanyang dad para ma-relax kapag kailangan niya ng extra allowance.

Itinuturing din niyang masuwerte sila dahil na-expose silang magkakapatid sa outdoor sports.

Nakasali raw siya noon sa track and field kaya matatag ang stamina niya pagdating sa pagtakbo.

Sa tsikahan sa isang kilalang chef, inamin din ni Donny na hindi niya pinangarap na mag-artista.

Katunayan , ipinagbabawal daw ito sa kanilang magkakapatid.

Gayunpaman , malakas daw ang naging ‘lure’ sa kanya ng showbiz kaya na-engganyo siyang pasukin ito.

Dagdag pa rito, maituturing daw siyang showbiz royalty dahil ang grandparents at maging nanay ay galing sa showbiz.

Ipinagmamalaki naman niyang hindi siya isang nepo baby dahil hindi niya ginamit ang impluwensiya o koneksyon ng mga magulang niya para maka-penetrate sa showbiz.

Nang makita raw naman ng parents niya ang eagerness niya sa kanyang trabaho ay wala silang choice kundi ang suportahan ang desisyon niya.

So far, na-enjoy daw niya ang acting kung saan natagpuan niya ang kanyang calling.