Advertisers
By Anne Vennacio
Nilinaw ng content creator na si Zeinab Harake ang kumakalat na isyu na umano’y bumili siya ng 50 tiket para sa nalalapit na konsiyerto ng BTS sa Pilipinas.
Sa isang post sa social media platform X, itinanggi ni Zeinab ang naturang alegasyon at sinabing walang katotohanan ang balita. Hinikayat niya ang publiko na huwag agad maniwala sa mga kumakalat na impormasyon online.
“Ang hirap kumuha ng ticket ng BTS tapos ako 50 pa? Hindi po totoo ‘yan,” pahayag ni Zeinab, sabay diin na kung sakaling makakabili man siya ng ganoong karaming tiket, ipamimigay niya ito sa mga tunay na tagahanga ng grupo.
Ibinahagi rin ng social media personality na kasalukuyan siyang nasa Europe kasama ang mister na si Bobby Ray Parks Jr.
Samantala, nadawit din sa isyu si Vice Ganda matapos kumalat ang balitang bumili umano siya ng 50 tickets. Mariin niya itong pinabulaanan at tinawag na fake news ang mga kumakalat na post.
Giit ni Vice, “Bobong mapagpaniwala ampotah! San galing ang 50tix? Aanhin ko yun? 100 ba ang mata at tenga ko kung sakaling manunuod man ako!!! Ni hindi ko nga alam ang sched ko sa araw na yun.”
Patuloy na inaabangan ng mga tagahanga ang pagbabalik ng BTS sa Pilipinas para sa kanilang concert sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan sa 2027. Mabilis na naubos ang tickets sa general sale dahil sa matinding demand ng ARMY fans.