Advertisers

Advertisers

Paulo in love na kay Kim

0 18

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MUKHA yatang gusto na nina Kim Chiu at Paulo Avelino na maging mag-dyowa na sila,h uh!

After kasi nilang mag-duet sa ASAP, na ginanap sa Canada, ay nagtanong si Paulo kay Kim.

Sabi ni Paulo,”Gusto ko lang sanang tanungin si Kim. Ano na nga yung title nung kanta?”

Sagot ni Kim,”Bakit Di Totohanin?”

Pagkasabi nun,ay bigla siyang napatili. Halatang kinilig.

Ulit na tanong ni Paulo kay Kim,kung ano raw ulit yung title ng song.Na sinagot uli ni Chinita Princess ng Bakit Di Totohanin?

Pagkarinig nun,sabay sabi ni Paulo,”Bakit nga ba?

Napatili na naman si Kim,at sumagot siya ng,”gusto mo ba?’

Natawa naman ang aktor sa naging sagot ng kanyang ka-loveteam.

Sigawan ang audience, lalo na ang mga faney ng KimPau sa naging sagutan nila.Kilig na kilig sila.

Well,mauuwi na nga kaya sa totohanan ang loveteam ng KimPau?

***

AMINADO si Julia Montes na may mga pinagseselosan siya sa mga nakakatrabaho ng dyowa niyang si Coco Martin.

“Meron pa rin. Kasi may meron pa rin, eh,”ang natatawa niyang sabi ni Julia.

Ang ibig sabihin ni Julia, ay may mga nagpapansin kay Coco. Gwapo naman daw kasi ang aktor.

Pero hindi raw niya sinasabi kay Coco kapag may pinagseselosan siya.

Katwiran niya,“Kasi ang lagi ko namang rule, huwag lang magkakamali, okay pa ako. Tapos huwag lang ring magkakamali ‘yung babae, ookey pa ako.

“Pero kapag nagkamali, medyo asahan mo,”pagbabanta pa ni Julia.

Paano kung nagkamali si Coco o ‘yung babae, tapos hindi niya nalaman?

“Malalaman mo rin, eh. Yun nga ang sinasabi ko, sa buhay natin, dapat ang gagawin mo, at bawat desisyon mo, alam mong babalik sa ‘yo. Hindi man ngayon, but time will come na meron talaga (na babalik na karma].”

May nalaman daw si Julia na lumalandi kay Coco. Pero hindi niya raw kinumpronta ‘yung girl, na hindi niya pinangalanan.

“Hindi ko siya kinausap, pero pinaramdam ko sa kanya. Kasi, wala nang point para kausapin ko siya. Excuse me!”ang mataray pang sabi ng aktres.

Paano ‘yung pagpaparamdan na ginawa niya sa girl para malaman nito na galit siya rito?

Sagot ni Julia,”Kasi super warm ako, eh. Alam mo kapag okay ako sa’yo saka kapag hindi.

“So, hindi rin ako ako plastic, hindi ako showbiz. ‘Pag hindi ako okay sa’yo, hindi kita papansinin,”

Nung nag-hi raw kay Julia ‘yung girl, ay sinungitan niya ito. .

“Nag-hi siya.’Hi po.’ Eh ka-batch ko lang siya. Sabi ko, ‘Excuse me, maka-po ka naman!’ Ganun, with a smile,” kwento pa ni Julia.

Well, sino kaya yung ka-batch ni Julia na nilalandi si Coco?