Big Celebration Ng 50 Years Sa Showbiz Ni Imelda Papin, Pinaghahandaan Na; Gabriela At Anton Diva Hit Na Hit Sa Crowd Ng BAR IX
Advertisers
Ni Peter Ledesma
Maliban, sa patuloy na pagse-serbisyo sa mga tao sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO, kung saan siya ang kasalukuyang Board of Director head. Isa sa pinaghahandaan ngayon ni Imelda Papin, at ng kanyang buong team ay ang gagawing malaking selebrasyon para sa kanyang 50 Years sa showbiz. Yes, 5 dekada na ang singing career ni Imelda, na hindi lang sumikat sa buong Pilipinas sa super mega 1978 hit at naging signature song na “BAKIT?” Kundi maging sa Las Vegas at ibang parte ng Amerika ay hinangaan siya ng mga pinoy at banyaga dahil isa nga siyang world-class Performer.
At sa pagiging recording artist naman at sa patok na BAKIT ay naging dominated ni Imelda ang late 70’s at 80’s. Tinalo nito ang lahat ng mga kasabayan sikat na kapwa singers noong mga panahong yun. Even the big recording companies ay pinadapa nila sa WONDERLAND RECORDS ng producer at kaibigan na si Alice Cabahug. Si Alice ang nagbigay sa kanya ng malaking break sa kanyang karera bilang Recording Artist.
And remember, record holder ng Philippine Arena sa Bulacan si Imelda. Kung saan napuno niya ang buong 55,000 capacity ng kilalang venue sa Bulacan para sa kanyang 45th Anniversary Concert na “IMELDA PAPIN QUEEN @ 45” noong October 26, 2019. Actually noong gabi ng kanyang anniversary concert, ay marami pang fans sa labas na di na pwedeng i-accomodate. Well, dahil sa nagawang punuin ang super laking Philippine Arena ay tinawag na “Sold Out Queen” si Imelda na hanggang ngayon ay hawak rin ang mga titulong the Original Jukebox Queen at Sentimental Songstress. Actually dalawa na ang record holders ng Philippine Arena ka-join na rito ni Imelda ang BINI Group, na naging sold out rin ang concert na ginawa ng grupo rito.
At infairness, hanggang ngayon ay kahit saang lugar pa sa Pinas mag-show si Imelda, ay aside sa napupuno nito ang venue, ay pinagkakaguluhan pa rin talaga siya ng mga tao. Isa lang ang ibig sabihin nito, unfading ang kasikatan ni Imelda Papin na napakaraming hits na kanta. Her secret? Number one mahal niya ang kanyang mga tagahanga at siyempre bawat kantahin niya ay kilala ng mga tao at sinasabayan siya sa pagkanta. She is very-very good performer! Happiest 50th Anniversary my Manay IMELDA PAPIN.
***
As expected, another successful show ang ginawa last Oct. 19 sa BAR IX ni Gabriela along with her kaback to back na Gay stand-up comedian na si Anton Diva. As I’ved heard grabe riot ang dalawa sa stage talagang hit sila sa crowd ng BAR IX sa Molito Alabang na concert venue ng mga katulad ni Gabriela na sikat na recording artists. Nag-perform, kamakailan rito sina Nina, Chito Miranda, Ice Seguerra, atbp.
Grabe ang response ng audience kay Gabriela, ng kantahin nito ang kanyang 2001 hit song na “NATATAWA AKO,” na maituturing na isa sa ating maraming classic songs. Comedy naman at birit na mga kanta ang ginawang pagpapasaya ni Anton.
Ang maganda kay Gabriela ay supportive siya at generous sa mga nakakatrabaho sa concert at saan mang show na ginagawa. At isa sa sinusuportahan ng maganda at sexy singer ay ang 1st runner-up sa The Clones ng Eat Bulaga na si Rouelle Cariño na clone ni Matt Monro. Sa katunayan inupload pa nito ang mga Matt Monro songs ni Rouelle sa kanyang Facebook Page, na meron ng 34K followers. Samantala, gumawa rin pala si Gabriela ng version nila ng The Clones sa New Rivergold Resto Bar And Grill sa Marikina City kung saan ginaya nito ang singer ng “Barbie Girl” na si AQUA. In all fairness gayang-gaya niya si Aqua pati boses nito. Aside sa kanyang regular ay may mga naka-line-up pang shows si Gabriela. Check niyo na lang ang schedules nito sa mga gagawing concert sa kanyang social media account.