Advertisers

Advertisers

BoC Commissioner Nepomuceno wala pang nasasampulan

0 53

Advertisers

WAIT AND SEE ngayon ang marami sa ipinagsisigawan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ariel Nepomuceno na hindi siya magdadalawang-isip na tanggalin sa puwesto ang sinomang opisyal o empleyado na sasabit sa katiwalian katulad ng panghihingi ng “TARA” sa mga customs broker at importer at ayaw sumunod sa kanyang ‘No Take Policy’.

Marami ang “tamang-duda” sa kanyang sinabi dahil alam ng lahat na sa Customs ay pulos ‘MBA’ ang mga nagtatrabaho dyan. ‘Yun bang… ‘May Backer Ako!’ Hehehe…

Higit tatlong buwan narin sa puwesto si Commissioner “Nepo” pero wala pa tayong nabalitaan na nasibak dahil sa paglabag sa kanyang mga utos.

Baka naman… nasisindak din siya sa MBA ng kanyang mga tauhan? P

Palagay n’yo mga pare’t mare?

Halimbawa nalang itong isang District Collector sa isang malaking pantalan sa Mindanao na balitang “tambay” sa mga sabungan at hindi itinatago ang kanyang magarbong pamumuhay.

May nagbulong pa sa atin na bukod sa paghingi ng regular na “Tara” kasama sa kanyang ipinanghihingi ay ang punong tanggapan ni Commissioner. Araguy!!!

Oh, ayan, Commissioner Nepo, naghihintay ang madlang pipol kung “kaya” mo raw ang ‘walk the talk’ pagdating dito kay alias Collector Sabungero.

Palagi rin kasi umanong ibinibida nitong si Collector ang kanyang mga “astig” na mga “padrino” sa Kongeso at Palasyo. Kaya dito masusubukan kung sino ba talaga ang “Hari” sa pantalan—ang Customs Commissioner o ang isang District Collector?

Abangan!

***

MISTULANG nababahala si Senador Bong Go sa isinampang reklamo sa Ombudsman laban sa kanya ni dating Senador Antonio Trillanes, regarding sa nakorner na higit P7 bilyong kontrata sa gobierno ng construction company kuno ng kanyang ama at kapatid simula noong mayor si Rody Duterte ng Davao City hanggang sa maging presidente ng bansa kungsaan siya ang “bagman” ng dating mayor/pangulo.

Oo! Aminin man at hindi ni Bong Go ay halatang kabado ito sa isinampang Plunder laban sa kanya ni Trillanes.

Naghintay si Trillanes ng mahigit walong taon bago niya naikasa ang reklamong Plunder na ito laban kina Bong Go at dating Pangulong Duterte. Alam niya kasi na hindi uusad o mababasura lang ang kaso nung nasa poder pa si Digong at si Samuel Martirez ang Ombudsman.

Nagretirto na kamakailan si Martirez. Si Boying Remulla na ang Ombudsman ngayon. Hindi DDS si Boying. Kaya malamang umusad ang kaso laban kina Bong Go at Duterte. Mismo!

Punto ni Trillanes, hindi makokorner ng construction company ng ama at kapatid ni Bong Go ang halos 90 percent ng malalaking kontrata sa Davao region kung hindi pinakikialaman ni Bong Go.

Ang CLTG construction company ng ama ni Bong Go at ay initial ng senador. Christopher Lawrence Tesoro Go (CLTG). Boom!

Naniniwala si Trillanes na ang CLTG ay pag-aari mismo ni Bong Go pero pinahawakan lang sa ama. Mismo!