Advertisers

Advertisers

Sarah Lahbati idinawit sa hiwalayan nina Ellen Adarna at Derek Ramsay

0 12

Advertisers

Itinanggi ni Ellen Adarna ang isyung may kinalaman umano si Sarah Lahbati sa hiwalayan nila ng mister na si Derek Ramsay.

Ang isyu ay nag-ugat matapos banggitin ng showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog noong Oktubre 24 na si Sarah daw ang nag-udyok kay Ellen na bumili ng mamahaling bahay na hindi raw inaprubahan ni Derek.

Ayon kay Ogie, “Parang nag-aahente raw si Sarah kay Ellen para bilhin ang bahay.” Ipinunto pa niya na tila ito ang ugat ng hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa.

Ngunit agad itong sinagot ni Ellen sa kanyang Instagram Story, sabay post ng usapan nila ni Sarah: “Ako raw reason ng breakup niyo? WTF!” ani Sarah. Sagot ni Ellen, “Since when were you a house agent? LOL! I can’t with these people!”

Dagdag pa ni Ellen, “Mama Ogie, klaruhin natin ha—pag sure sa imong source! Kung gusto kong bumili ng bahay, kaya kong bilhin mag-isa. At si Sarah, hindi house agent!”

Matatandaang kamakailan ay lalong umigting ang tsismis na totoong hiwalay na ang mag-asawa matapos na hindi dumalo ang aktor sa first birthday ng anak nilang si Lily.