Advertisers
NAGPUPUYOS ang kalooban ng opisyal na tawagin na lamang sa alyas na “Kernel Palito” dahil sa pagbubunyag ng isang kilalang manunulat/mediaman sa ilang pulis sa CALABARZON na sangkot sa pangongolekta ng protection money o lingguhang suhol, payola, lagay na kung tawagin sa police lingo ay intelhencia, pagiging maintainer at financier ng illegal vices.

Nanggagalaiti si alyas “Kernel Palito” at pinararatangan na iresponsableng mamamahayag daw ang naturang manunulat/mediaman. Sa kanyang cellular phone call ay ipinagdiinan ni “Kernel Palito” na kung may reklamo laban sa kanyang tauhan ang naturang mamamahayag ay maghain ito ng pormal na reklamo. Ngayon lang nangyari na ang isang kolumnista na nagbibigay ng balansyado at malalim na impormasyon ay nais gamitin pa ni “Kernel Palito” na complainant sa halip na aksyunan ang nabunyag na anomalya.
Lumitaw na kulang sa kaalaman ang opisyal na ito nina PNP Acting Director LtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. at PNP Region 4A Dir. BGen Paul Kenneth Lucas? Sa halip na magpasalamat sa naturang mediaman ay nagpakita si “Kernel Palito” ng kagaspangan ng ugali na hindi dapat sa isang police official na nagtapos sa kinikilalang Philippine National Police Academy (PNPA)?
Hindi yata kilala ni “Kernel Palito” kung sinu-sino sa kanyang mga tauhan ang mga “bugok” , na sa halip na magtrabaho bilang pulis ay ang pangongolekta ng lingguhang intelhencia para sa ilang superior officers, ang pag memantine at pagiging kapitalista ng illegal vices tulad ng Small Town Lottery cum jueteng o bookies, saklaan, peryahan na pulos sugalan o pergalan at iba pang ilegal na aktibidad ang inaatupag.
Ang ilang police scalawag sa Batangas at Cavite:
1. Alyas Sgt. Michelle. Mula sa pagiging patrolwoman ay naging intelhencia kolektor at kasabwat ng mga ilegalista. Operator din si alyas Sgt. Michelle ng STL bookies, saklaan at monte joint sa Lipa City. May mga rebisahan ng taya sa bookies sa compound ng Lumina Housing sa Brgy. Tanguay, kasosyo ang isang opisyal ng homeowners at ilang security guards at sa mga Brgy. Sabang at Tambo.
Mahigpit na karibal ng grupo ni alyas Sgt. Michelle ang sindikatong “Big 4” na sangkot din sa drug trafficking at kinabibilangan nina Ana Tomboy, Gary, Lescano, alyas Boy Recto, Ycarro at alyas Kap Randy. Higit sa 30 ang mga miyembro ng “Big 4” na kaagaw nina Sgt. Michelle sa pagpapatakbo ng halos lahat na kailegalan sa siyudad nina Lipa City Mayor Eric Ben Africa at Police Chief LtCol. Aleli Buaquen.
Kasosyo ni alyas Sgt. Michelle sa pag-operate ng bookies ang isang alyas Aries na kilalang kapatid ng isang city hall official at negosyanteng si alyas Glen Figaro na sangkot din sa drug trafficking at cigarette smuggling. Bagamat nasabat ang bulto-bultong fake at smuggle na sigarilyo ni alyas Glen Figaro kamakailan ay di nakasuhan ito at naging kasosyo pa sa malawakang operasyon ng illegal gambling at drug operation sa Lipa City.
Gabi-gabi ang pasakla nina alyas Sgt. Michelle sa ibat ibang barangay ng Lipa City kasosyo sina Oying Balasador, MJ Rojales, alyas Pat Lopez at Estole. Ang grupo ni alyas Sgt. Michelle din ang operator ng monte sa Brgy 3, malapit sa Lipa City Public Market. Sa STL operation pa lamang ay tumatabo ng Php 7.5M sina alyas Sgt. Michelle bukod pa ang isinasalta nilang Php 120,000 sa sakla kada gabi. Liban dito ay may daang libong kita din sa saklaan sa Padre Garcia at monte sa siyudad din ng Lipa na pinaghahatian ng kanilang grupo at mga police, local government protector at iba pang opisyales ng gobyerno.
Sila rin ang nag-ooperate ng mga saklaan sa Brgy. Sambat at sa likod ng PCSO STL office bayan ng Padre Garcia, kasosyo sina alyas Tisoy at Nonit, kapwa drug pusher na tuta ng isang talunang pulitiko.
2. Alyas Lopez. Bagitong pulis na mula sa angkan ng mga gambling lords. Orihinal na founder ng mga monte joints at sakla den sa Lipa City na kanang kamay ni alyas Sgt. Michelle.
3. Alyas PO3 Basihan. May mga alyas na Jamal at LtCol. JP Cruz. Kung tawagin ito ay “baon o tanim” police tong collector. Saan man matalaga si “ Kernel Palito” ay nakatanghod si PO3 Jamal, ang tanging trabaho ay magmanman upang di mapalusutan o mabukulan ang kanyang amo ng grupo ng mga police tong collector at mga ilegalista.
4. Alyas Sgt. Sandoval. Beteranong police tong collector at batchmate ni alyas Sgt. Michelle. Si Alyas Sgt. Michelle ang nagrekomenda kay alyas Sgt. Sandoval upang maging palagiang “kapustahan” o police tong kolektor mula noon hanggang ngayon.
5. Alyas Sgt. ILao. Protektor at kasosyo ng lahat na ilegalista sa bayan ng Nasugbu, kabilang na ng sakla operator na sina Jonathan ng Brgy. Manggahan; Jojo ng Brgy. Reparo; alyas Gegel ng Brgy. Bucana; Jemwell ng Brgy. Catandaan; Kon. Inan ng Brgy. Lumabangan, Tess ng Brgy. Tumalim; Inan ng Brgy. Bilaran at alyas Kon Jel ng Brgy. 4 na nagpapatakbo din ng mga STL bookies kasosyo si alyas Willy Bokbok maging sa pagpapatakbo ng mga sakla sa tupadahan sa maraming barangay ng bayan ni Nasugbu Mayor Antonio Jose Barcelon.
6. Alyas Sumbat. Partner ni alyas Sgt. Ilao sa pagbibigay ng proteksyon sa lahat na gambling at drug dealer sa bayan ng Nasugbu.
7. Alyas Sgt. Sagpao na may mga alyas ding Rigor at Jorge. Police tong kolektor gamit na panakot maging ang mga tanggapan ng Chief PNP at Cavite PPO sa pangongotong sa mga bookies ng EZ2, Pick 3, Perya ng Bayan (PnB) at mga sakla den sa Cavite, kapartner ng mga sibilyang sina alyas Hero, alyas Tuirok, Bacion alyas Francis at Jojo sa pagpapatakbo ng mga sakla den sa mga bayan ng Alfonso, Maragondon, Amadeo, Noveleta, Kawit, Ternate, Bailen at Dasmariñas City; at sa halos lahat na bayan at siyudad sa Cavite.
Kailangan ni Gen. Lucas na magsagawa ng masusing pag iimbestiga sa katotohanan sa ibinunyag na mga anomalya ng naturang mediaman. May karugtong.
***
Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144