Advertisers

Advertisers

LOTLOT AT JANINE NAGLULUKSA SA PAGPANAW NI YAYA PAT

0 7

Advertisers

Ni BETH GELENA

Nagluluksa ang mag-inang Lotlot de Leon at Janine Gutierrez sa pagkamatay ni Yaya Pat.

Malungkot ang pamilya dahil matagal na nilang kasambahay si Yaya Pat na halos nagpalaki sa mga anak ni Lotlot lalo na kay Janine.

Bagamat hindi nila kadugo ay itinuring na nilang bahagi ng ito ng pamilya.

“Ilang buwan pa lang ang nakakalipas mula nang mawalan kami ng mga mahal sa buhay…ngayon, isa na namang malapit sa amin ang namaalam,” lahad ni Lotlot.

“Almost 40 years nang naging bahagi ng pamilya namin si Yaya Pat. Una niyang inalagaan si Ken, ang bunsong kapatid ko.”

Kuwento pa ni Lotlot, ang kapatid ni Yaya Pat na si Ate Amy na siyang naging pinakamatagal na personal assistant ng kanyang ina na si Nora Aunor ang nagrekomenda kay Yaya Pat.

“Yung kapatid niya, si Ate Amy — who worked for Mommy for more than 20 years (and was her longest personal assistant) — ang nagrekomenda kay Yaya Pat na tumulong sa pag-aalaga kay Ken noong bagong panganak pa lang siya.

“Later on, she transferred to me, right before I gave birth to Janine,” kuwento pa ni Lotlot.

“Buong puso niyang minahal at inalagaan ang bawat isa sa amin — lalo na ang mga anak namin. Sa totoo lang hindi ko akalain na magtiwala sa iba sa mga anak ko gaya ng pagtitiwala ko sa kanya,” wika pa ng aktres.

“Kami ay magpapasalamat magpakailanman para sa kanyang katapatan, kabaitan, at ang walang pasubaling pagmamahal na ibinigay niya sa aming pamilya sa mga nakaraang taon.

“She will always be part of our family — and her family, ours — forever.

“Ya, salamat sa pagmamahal mo sa mga anak namin ni Mon. Rest now, Ya. Mahal ka naming lahat,” ang madamdaming mensahe pa ni Lotlot.

Maging si Janine ay nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanilang yaya.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya ang mga larawan nila together bilang pagbibigay pugay sa inilaan nitong serbisyo at pagmamahal sa kanila.

KIM NAGBREAK SA PINSALANG DULOT NG BAGYONG TINO SA KANILANG LUGAR, SINO RAW BA ANG DAPAT SISIHIN?
Nag-react si Kim Chiu sa pinsalang dulot ng Bagyong Tino sa Cebu at maraming bahagi ng lalawigan ang dumanas ng hindi pangkaraniwang matinding pagbaha.

Hinimok ng chinita actress ang mga awtoridad na gumawa ng tunay na aksyon at pigilan ang sakuna na baka mangyaring muli, at nagtatanong siya kung sino ang dapat managot sa trahedyang nangyayari sa Cebu.

Tahasan ding binanggit ni Kim ang mga katiwalian ng ilang pulitiko, at idiniin na ang maling paggamit ng pampublikong pondo ay nagpapalala sa epekto ng mga natural na kalamidad. Ang pagbaha ay naganap sa gitna ng pagsisiyasat sa mga umano’y anomalya sa mga proyekto sa pagkontrol sa baha, na sinasabi ng mga kritiko na sobra ang presyo o hindi magandang ipinatupad.

Nagpahayag ng pagkabahala at pagkadismaya ang Cebuana actress matapos malaman ang malawakang pagkawasak na dulot ng Bagyong Tino sa kanilang probinsiya.

Sa pakikipag-usap sa ABS-CBN News sa isang press conference, sinabi niya na habang hindi nakaranas ng matinding pagbaha ang kanilang bayan at idiniin niya na ito ang unang pagkakataon na nasaksihan niya ang ganitong matinding pagbaha sa kanilang bayan.

“Sana magawa na lahat ng dapat gumawa ng paraan. Para hindi na maulit. Sa amin, hindi naman binaha. Pero it is the first time nangyari sa amin sa Cebu nagka ganoon kalalang baha. And sino nanaman sisihin natin?” aniya sa kanyang socialedia account at hinimok ang mga awtoridad na kumilos agad para maiwasan ang mga sakuna sa hinaharap. Matagal nang nagsasalita si Kim tungkol sa katiwalian at kawalan ng kakayahan sa ilang mga lider sa pulitika sa Pilipinas, kadalasan nga ay ginagamit pa niya ang kanyang plataporma para tumawag ng transparency at accountability.

Ang kanyang reaksyon sa kontrobersiya ay nakarating naman sa ahensiya, pero kung tungkol sa proyektong pangkontrol sa baha ng gobyerno ay sinusuri pa nilang mabuti ang umano’y mga anomalya, sobrang presyo, at hindi magandang pagpapatupad.

Sinasabi ng mga kritiko at tagapagbantay na ang bilyun-bilyong pisong inilaan para sa drainage at prevention system ay nabigong makapaghatid ng makabuluhang proteksyon, na nagdulot ng mga kagyat na katanungan tungkol sa kung saan napunta ang pera at kung sino ang dapat managot.

Pero sa ganang amin, dapat ay hindi na nagpaliguyligoy pa ang gobyerno sa pagsisiyasat dahil sa totoo lang alam naman nila kung sino ang mga katiwaliang nakaupo.

Paulit-ulit lang ang kanilang imbestigasyon sa mga taong dapat managot.

ANJO BINABALAK TUMAKBO SA SENADO SA SUSUNOD NA ELEKSIYON

Nag-iisip si Anjo Yllana kung tatakbo ba siya sa pagka-Senador sa susunod na eleksiyon.

Kamakailan ay may natatanggap na challenges ang aktor na magsalita ng kanyang mga nalalaman tungkol kay Presidente Bongbong Marcos at sa Senate Pres. na si Tito Sotto.

Si Sotto ang chinallenge ni Anjo na magpakita siya ng prove na dino-donate nga niya sa mga scholars ang sinasahod bilang senador or else he will expose his alleged “mistress”.

Ayon sa komedyanteng aktor na dati ring co-host ng Eat Bulaga noon sa GMA-7 noontime variety show Eat Bulaga, ang Senate President at ang allegasyon na kanyang other woman ay nangyari noon pang 2013.

Si Tito Sen ay kasal sa veteran actress na si Helen Gamboa kung saan may apat silang anak.

Aside from challenging Senate Pres. Tito Sotto, Anjo Yllana also criticized Pres. Bongbong Marcos. Ayon sa kanya, the public is allegedly aware about the deformed facial expression of the President.

He challenged him to undergo a hair follicle drug test.

Tikom naman ang bibig ni PBBM sa tinuran ni Anjo to undergo a hair follicle drug test.

Dinepensahan naman ng Malacañang ang Presidente, at sino raw ba si Anjo para mag demand sa Presidente.

According to Palace press officer undersecretary Claire Castro, Marcos Jr. will allegedly not pay attention to Anjo.

Ayon pa kay Claire, may posibilidad daw na tatakbo si Yallana possible moves in politics.

Ayon naman sa actor, pinag-iisipan nga raw niya kung tatakbo sa Senado.

He claimed that his followers allegedly want him to run for a seat in the Senate.

“Yung followers ko, pinapatakbo akong senador para meron daw silang boses sa senado. Mga mahihirap na tao ito,” lahad ng aktor.

“Yung iba nga, vice-president, yung iba president. Pero hindi ko naman sineseryoso yun. Pero yung pagka-senador, pinag-iisipan ko dahil ngayon, maraming magnanakaw ang nakaupo.”

“Kapag nanalo akong senador, mababawasan ng isang magnanakaw. Madadagdagan ngayon ng isang honest na senador kung sakaling manalo ako,” sambit pa ng aktor.