Advertisers

Advertisers

Kalikasan na ang nagbubunyag ng korapsyon sa infras

0 20

Advertisers

OO!!! ang kalikasan na mismo ang nagbubulgar sa mga palpak at guni-guni o multo na infrastructure projects sa Pilipinas.

Sa apat na magkasunod na mga bagyo kabilang itong huling dalawa na Tino at Uwan, na-wash out ang mga flood control at kalsadang palpak ang pagkagawa.

Nabuking din ang mga flood control project na hindi nagawa pero nakatalang ‘completed’ at bayad na.

Ang nalantad na korapsyong ito ay hindi dapat a inbestigasyn lang matatapos, dapat may makulong, managot ang mga nag-plunder sa taxpayers money.

Kung hindi nangyari ang grabeng korapsyon na ito, siguro naman ay hindi ganito kalala ang mga pagbaha, walang maraming buhay nawala at na-washout na mga ari-arian. Mismo!

Mr. President BBM, aba’y wala kayong dapat sisinohin sa imbestigasyong ito. Kahit mga kaalyado o kamag-anak n’yo pa, kung sangkot sa mga kalokohang ito, ay dapat managot or else baka maulit ang people power na nangyari sa tatay mo noong 1986.

Just do it, Mr. President!

***

Itong mga politikong nasasangkot sa multi-billion flood control scandal ay dapat nang tuldukan! Ang kanilang mga malalansang pangalan, kung hindi man sila makulong o mapatalsik ngayon, hindi na dapat i-shade pa sa darating na halalan 2028.

Oo! itong mga kongresista at senador na sinasabing kumana ng 15 hanggang 25 percent kickback sa ibinaba nilang project ay dapat nang wakasan ang pagiging gahaman sa kuwarta, Mr. President BBM.

Ang mga nakulimbat nilang salapi ay dapat bawiin ng gobierno, kumpiskahin ang kanilang mga ari-arian na nabili sa kanilang pandarambong sa public funds! Mismo!

***

Kung totoo ang ipinangangalandakan ni Public Works Secretary Vince Hizon at Ombudsman “Boying” Remulla na maraming sangkot sa flood control scandal ang makukulong bago-magpasko, ito’y magandang pamasko para kay Juan dela Cruz.

Pero kung drawing o press release lamang nila ang pagpakulong sa mga sangkot sa iskandalo, mag-alsa balutan nalang sila dahil tiyak na aaraw-araw sila ng rally ng mga Gen-Z na nagngangalit na sa korapsyon sa gobierno. Mismo!

***

Viral ngayon sa social media ang mga larawan ni VP Sara Durerte-Carpio na nagsasaya sa isang resort sa Quezon habang ang kanyang supporters sa Cebu ay nagluluksa matapos salantain ng bagyong Tino, kungsaan halos 200 katao ang nasawi.

Ito kasing si VP Sara ay tila walang pakialam sa mga nangyayaring kalamidad ngayon. Tila wala siyang paki malibing man sa baha ang mga Filipino. Ewan!

Tapos gusto n’yo maging Presidente sa 2028? God save Philippines!!!