Advertisers
TULOY-TULOY ang pagtugon ng pamahalaan sa pinsalang iniwan ng pagdaan ng Super Typhoon Uwan sa Pilipinas.
Sa situation briefing sa PSC Command Operations Center, inilatag kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pinakahuling ulat na may kinalaman sa relief at rescue operations.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), iniulat ng Office of Civil Defense (OCD) na ang Pangasinan ang pinakamalubhang naapektuhan ng pagbaha, kung saan mahigit 426, 000 pamilya ang nailikas sa pamamagitan ng pre-emptive evacuation.
Inatasan ni Pangulong Marcos ang DSWD at DOH na ipagpatuloy ang tulong sa mga evacuation center.
Binigyang-diin ng pangulo ang patuloy na koordinasyon at pagmamanman, habang nagpapatuloy rin ang recovery efforts ng bansa, mula sa pinsalang iniwan ng una ng mga dumaang bagyo. (Gilbert Perdez)