Advertisers

Advertisers

Dike sa Navotas nawasak sa hagupit ni ‘Uwan’

0 16

Advertisers

Umapaw ang Navotas Navigational Gate nitong gabi ng Linggo, Nobiyembre 9 dahil sa malakas na storm surge o daluyong dulot ng Super Typhoon Uwan.

Nangyari ang pag-apaw nito 10:00 ng gabi.

Sinabi ng Navotas City Public Information Office na isinara ang navigational gate upang maiwasan ang pagbaha.



Subali’t dahil sa malalakas na hangin o storm surge, bumaha ito. Base sa kanilang tide calendar, tinatayang nag-peak ng 2 metrong high tide kaninang maga-alauna ng madaling araw.

Humigit kumulang sa 6,000 katao ang lumikas sa Navotas dahil sa pagbaha sanhi ng pagtaas ng tubig sa karagatan at pagkasira ng isang dike dulot ng bagyong Uwan.



Sabi ng ilang residente na umabot sa hanggang dibdid na tubig baha ang pumasok sa loob ng kanilang bahay sa barangay Bagong Bayan South.

Dakong 12:00 ng hatinggabi ng tuluyan namang mawalan ng kuryente sa buong siyudad habang patuloy ang pagtaas ng tubig baha sa mga lansangan at kabahayan.



Patuloy naman aniya ang pag-operate sa kanilang pumping stations para mapabilis ang pagpapakawala ng tubig, subalit sakaling may pag-apaw, pansamantalang matitigil ito sa pag-operate dahil hindi na nito kakayanin kapag patuloy na tataas ang tubig.

Kaugnay nito, nakaalerto naman aniya ang kanilang City Disaster Risk Reduction and Management Office para agad na rumesponde kung kinakailangan.(Beth Samson)