Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Malaking hamon para kay Kim Chiu ang kanyang role bilang sexy worker sa seryeng “The Alibi.”
Ayon sa chinita actress, malaking jump daw ito sa mga dating ginagawa niya lalo pa’t taliwas ang character niya sa kanyang tunay na pagkatao.
Pero kahit labas sa kanyang comfort zone, gusto raw niyang patunayan ang kanyang versatility kaya napapayag siya sa role.
Sa isang panayam, naikuwento rin niya ang karanasan nila sa shoot ng TV series sa Cebu.
Ilang beses daw silang nakaranas ng aftershocks habang nagsho-shoot dahil nilindol ang nasabing siyudad.
Dumating daw sa puntong halos mapraning na rin silang lahat.
In between taping ng serye, naiisingit pa raw naman nila ang shows sa ASAP sa Vancouver, Dubai at iba pa para i-promote ang kanilang series.
Nang matanong naman kung siya iyong tipong aamin o gagawa ng alibi kapag na-put on the spot o trouble, ipinokus muna niya ang sagot sa kanyang love team partner na si Paulo Avelino.
Aniya, si Paulo raw iyong tipo ng taong forward thinker o naa-anticipate agad ang mga bagay-bagay.
Kumbaga, kung nasa level 1 pa lang siya ay nakaabot na ito sa Level 7.
Keri rin daw nitong magsinungaling para lang i-save siya sa situwasyon.
Sa madaling salita, bukod sa soft spoken, kaya nitong magsinungaling para pagtakpan siya.
Hirit naman ng kibitzers, si Paulo pala ang susi sa mga lihim ni Kim.
Pagbibiro naman ni Paulo, si Kim daw ang klase na gagawa ng alibi para ma-save ang sarili sa mga pangyayari.
Pag na-late raw ito sa set, manunuhol daw ito sa pamamagitan ng pagdala ng pagkain.
Ang” The Alibi” ay palabas na sa online streaming platform na Prime Video.
Bukod sa KimPau, tampok din sa powerhouse cast sina John Arcilla, Zsazsa Padilla, Sofia Andres, Rafael Rosell, Irma Adlawan, Romnick Sarmenta at Alora Sasam.
Ipinakilala rin ang tambalang Robbie Jaworski at Angelina Cruz.
Kasama rin sa supporting cast sina Alyanna Angeles, Alma Moreno, PJ Endrinal, Lotlot Bustamante, Ian de Leon, Enzo Osorio, Ayesha Bajeta, Thou Reyes, Marvin Yap, Johaira Omar, Yesh Burce, at Kim Tubiano.
May special participation naman si Sam Milby na pivotal ang role.
Ang “The Alibi” ay mula sa panulat ni Danica Domingo at sa direksyon nina FM Reyes, Onat Diaz at Jojo Saguin.