Advertisers

Advertisers

PAANO UUWI NG PINAS KUNG MAY BANTA SA BUHAY SI EX-CONG. ZALDY CO?

0 21

Advertisers

Ni BECK BERNABE

Sa kauna- unahang pagkakataon nakausap ng media ang abogado ni dating Rep. Cong. Zaldy Co ang pakay ng nasabing presscon upang bigyang linaw ang tila nalilihis na issue sa usapin ng korapsyon, flood control projects at mga pag mamay-ari ni Co gaya ng 3 eroplano o chopper na napag-alaman na ito pala ay na acquire ng Misibis Aviation, isang kumpanya na itinatag noong taong 2004, 15 years bago pa maging representante si Co taong 2019 “how can properties acquired before being a congressman be illegal,” saad ni Atty. Ruy Rondain representative at abogado ng dating Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co.

Ayon din kay Atty. Rondain sa usapin naman ng “counter affidavit” ni Zaldy Co sa mga alegasyon sa kanya, papaano sila sasagot sa isang bagay na wala namang kaso pang isinasampa sa kanyang kliyente. Kasong sinumpaan ng isang nilalang na “under oath”.

Diin ng abogado ni Co na ang mga paglilinaw sa ginanap na presscon, isang paraan upang maliwanagan ang taumbayan sa issue dahil diumano ito ay nalilihis na, “the narrative has been so twisted because of the misinformation”… “the people in general has been misled on the issue,” ayon kay Atty. Rondain. Isang tila nabigyang linaw sa presscon, ang SALN ni Zaldy Co kung saan ito ang naging focus ng netizens at media sa presscon. Ikinagulat din ng lahat nung nabanggit ng abogado ni Co na sa unang taon pa lamang na Congressman si Zaldy Co, ang kaniyang ari-arian ay nagkakahalaga na ng P4.1 Billion. Ito ay nakadeklara at sinusuportahan ng mga dokumento tulad ng kaniyang ITR.

Tinanong ng isang reporter kung willing ba pakita ni dating Cong. Zaldy Co ang kaniyang SALN ngayon, “the Ombudsman is the custodian of all SALNs ever since the time of Arroyo.” Taliwas sa mga lumalabas na balita na hinahanapan ng Ombudsman ng SALN si Co.

Kaya bago natin tuldukan ang lahat, ay marapat na bigyan pa ng pagkakataon si Co at ang mga abogado nito na bigyan pa ng tsansang masagot ang mga alegasyon dahil sa hinaba-haba ng buwan na tinatakbo ng imbestigasyon, sigaw ng netizens ay wala pa ding napapanagot. O ang mga tao bang mainit sa mata ng gobyerno ay ang mga totoong sangkot sa issue o tila ginagamit lamang upang malihis ang issue sa mga taong totoong may sala?

Isang katanungan na dapat abangan ng mamamayan ang kasagutan.