MALAKANYANG TUMANGGING TUKUYIN ANG POSIBLENG NASA LIKOD NG ‘TELL-A-LIE ACCUSATIONS’ NI EX-CONG. ZALDY CO
Advertisers
Tumanggi ang Malakanyang na tukuyin ang mga posibleng nasa likod ng “tell-a-lie” accusations ni dating Cong. Zaldy Co laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa press briefing sa Malakanyang, iginiit ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na dapat siyasatin kung may “obstructionists” o “destabilizers” na nagtutulak kay Co para gawin ito.
Ayon kay Castro, malinaw umano na ginagamit ni Co ang isyu upang mailigtas ang kanyang sarili mula sa lumalalim na imbestigasyon ukol sa flood control scam.
Nang matanong kung magsasampa ng kaso si Pangulong Marcos laban kay Zaldy Co, sinabi ni Castro na dapat munang hintayin ang sinasabi nitong “Part 2” ng akusasyon.
Giit pa ni Castro, malamang muling lumabas ang panibagong kwento kaya’t hinihikayat niya ang publiko na maging maingat sa pagtanggap ng impormasyon, lalo sa mga napapanood o nakikita sa social media. (Gilbert Perdez)