Advertisers

Advertisers

Towns, Shamet pinamunuan ang Knicks laban sa Heat

0 6

Advertisers

Karl-Anthony Towns umiskor ng 39 points at Landry Shamet nagdagdag ng career-high 36 points off the bench para talunin ng New York Knicks ang Miami Heat, 140-130, sa NBA Cup game Biyernes (Sabado sa Manila).

Jordan Clarkson umiskor ng 25 points, Mikal Bridges may 15 at Josh Hart nilista ang kanyang unang triple-double sa season na may 12 points, 12 rebounds at 10 assists para sa Knicks na pinuste ang season-high point total.

Jalen Brunson nalaktawan ang kanyang first game ng season dahil sa sprained right ankle na natamo Miyerkules ng matalo sa Orlando. OG Anunoby umalis sa laro matapos ang dalawang minuto na may left hamstring strain at hindi na bumalik.

Norman Powell umiskor ng season-high 38 points para pamunuan ang Heat. Jaime Jaquez Jr. may 23. Andrew Wiggins at Kel’el Ware umiskor ng tig-15 points,habang si Pelle Larsson may 14 at Davion Mitchell 11.

Ang Knicks at Heat ay 1-1 sa Group C play.

Nangibabaw ang Knicks sa iskor na 62-61 sa 2nd quarter bago nakapuntos si Towns ng sunod-sunod na three-pointer at dalawang libreng tira. Hindi na muling nahuli ng New York ang kalaban at nanguna ng 78-68 sa halftime.

Ang teams ay muling magtatagpo sa Miami sa Lunes.