Advertisers
NAKAMIT ng National University ang kanilang ika-4 na titulo sa Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup matapos idispatsa ang University of Santo Tomas, 22-25, 25-22, 25-27, 25-23, 15-10, Sabado ng gabi sa Game 2 ng best-of-three finals sa Rizal Memorial Coliseum.
Pinangunahan ng premyadong baguhang si Sam Cantada at beteranong si Vange Alinsug, para dominahin ng Lady Bulldogs ang ikalimang set upang walisin ang pangunahing torneo ng liga para sa ikalawang sunod na season.
Cantada nagdeliver ng 24 points gawa sa 20 attacks,two aces at two blocks,Ainsug bumakas ng 19 points, at kaye Bombita nagdagdag ng 14 points.
Lams Lamina, pinangalanan na tournament MVP at Best Setter, gumawa ng 25 excellent sets, habang si Abegail Pono may 26 para tulungan ang Lady Bulldogs e-convert ang 65 attacks.
Shaira Jardio umiskor ng 18 digs at 11 excellent receptions para sa Lady Bulldogs, na nagtala ng 15-25, 25-23, 25-17, 13-25, 15-12, sa series opener nakaraang Linggo. l
Xyza Gula pinamunuan ang opensa ng UST sa iniskor na 16 points,sinundan ni Julia Balingit ng 13 Regina Jurado (12) at Marga Altea (11). UST naglaro bawas si Angge Poyos na na-injured sa panahon ng praktis.