Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
EFFECTIVE bilang Celebrity live seller si Dianne Medina. Sa loob pa lang ng tatlong oras na pagbebenta ng mga produkto sa Shoppe at TikTok Shop, ay nakaka-milyon sales na siya.
Kuwento pa niya nang makausap namin,ang naibenta niya sa loob ng isang araw bilang online seller ay P20M.
Kaya naman tumanggap siya ng awards sa Shoppe bilang Stellar Livestreamer of the Year 2023, Brand Choice of the Year Award 2023 at Top Content Creator of the Year Award 2025.
Sa TikTok Shop naman ang mga awards na nakuha niya ay ang Rising Content Creator of the Year Award 2023, Buy Local Shop Local Allstar Award 2024 at Lifestyle Shopstar Spotlight 2025.
Sa ngayon, may 112K followers sa Shopee si Dianne at 1.7M followers naman sa Tiktok.
Nilinaw naman ni Dianne na hindi sa kanya napupunta ang perang nabebenta kundi sa mga brands na ibinebenta niya at siya ay nangongomisyon lang. Baka raw kasi habulin at pag-initan siya ng BIR.
Nilinaw din ni Dianne na hindi porke mas active siya sa online selling at nakikita ng mga tao na malakas siyang kumita, ibig sabihin ay mas malaki na ang naiaambag niya sa kanilang pamilya.
Mas malaki pa rin daw kumita kesa kanya ang mister na si Rodju Cruz.
Ang hindi raw alam ng mga tao, may mga negosyo si Rodjun at pareho naman silang masipag kaya hindi kataka-taka kung ang dami na nilang investments na real properties ngayon.
At ang isa rin daw sa sikreto ng successful marriage nila ay hindi nila pinag-uusapan o tinitingnan kung sino ang mas malaking kumita sa kanila. Nagtutulungan daw silang mag-asawa para sa kinabukasan ng kanilang dalawang anak na sina Joaquin at Isabella.