Advertisers
Ni Anne Venancio
Inanunsyo ng SexBomb Girls na magkakaroon ng 2nd day ang kanilang reunion concert dahil sa laki ng demand ng kanilang mga supporters na kung saan marami pa sa mga ito ang hindi nakaabot sa tickets dahil sold out na.
Ayon kay Rochelle Pangilinan, lider ng grupo, magaganap ang kanilang “rAWnd 2” of the “Get Get Aw!” reunion concert sa SM Mall of Asia Arena sa Disyembre 9 after ng kanilang unang show sa Araneta Coliseum sa Disyembre 4.
Post ni Rochelle sa kanyang social media account, “Para sa mga pinalaki ng SexBomb! Heto na ang sagot namin sa hamon nyo! Dahil sa dami ng nag-request at naghahanap pa ng tickets ‘eto na! Sa MOA Arena naman kami makikipag-showdown! Lalaban ba kayo ulit?”.
Bukod kay Rochelle, makiki-Get Get Aw! din sina Jopay Paguia, Sunshine Garcia, Evette Pabalan, Izzy Trazona at iba pang miyembro.
Matatandaang nagsimula ang SexBomb Girls noong 1999 bilang backup dancers sa “Eat Bulaga. ” Nakilala rin sila sa kanilang mga hit songs na “Spaghetting Pababa,”“Halukay Ube”, Laban O Bawi” at sa teleseryeng “Daisy Siete,” na napanood mula 2003 hanggang 2010.