Advertisers

Advertisers

JILLIAN WARD AT EMAN BACOSA PACQUIAO, NAGKITA NA SA WAKAS

0 35

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Todo ang suporta ng mga GMA at Sparkle GMA Artist Center stars sa red carpet premiere ng horror trilogy film na “KMJS’ Gabi Ng Lagim: The Movie”.

Sa pangunguna ng GMA Primetime King na si Dingdong Dantes at ng GMA Primetime Princess na si Barbie Forteza, dumalo rin sa premiere ang sikat ngayong boksingero na si Eman Bacosa Pacquiao na vocal sa pagsasabing crush niya si Jillian Ward na bida sa pelikula.

Marami nga ang kinilig sa pagkikita ng anak ni Manny Pacquiao at Prinsesa ng GMA sa unang pagkakataon.

At dahil artist na rin ng Sparkle si Eman, siguradong magkakasama sila ni Jillian sa isang proyekto.

Samantala, Eman Bacosa raw ang gagamiting screen name ng binata sa showbiz bilang respeto at tribute sa kanyang ina.

Dumalo rin siyempre ang cast ng pelikula tulad nina Jillian, Lotlot de Leon, Miguel Tanfelix, Eva Darren, Rolly Inocencio, at Sanya Lopez and of course, Ms. Jessica Soho herself na narrator ng pelikula.

Namataan rin namin ang lady executives na sina Ms. Annette Gozon-Valdes, Joy Marcelo at Tracy Garcia.

Showing na sa mga sinehan simula ngayong November 26 ang KMJS’ Gabi Ng Lagim: The Movie at mula sa GMA Pictures at GMA Public Affairs, nasa pelikula rin sina Rocco Nacino, Kristoffer Martin, Elijah Canlas, Therese Malvar, Ashley Ortega, Epy Quizon at Martin del Rosario at marami pang iba.

Tatlo ang direktor ng pelikula, sina Yam Laranas (Pocong ni Miguel) Dodo Dayao (Berbalang ni Sanya) at King Mark Baco (Sanib ni Jillian).

CEDRICK JUAN BIDA SA ANDOY

Magbibida si Cedrick Juan sa upcoming film na “ANDOY” na isang psychological/torture/horror film.

“I think with Andoy, one of the most challenging roles na gagawin ko at nagawa ko. Yeah, kasi parang may pagka nerve-wrecking yung role niya,” kuwento ni Cedrick.

At dahil nga mabigat ang kanyang papel, natanong si Cedrick kung paano niya inihihiwalay o dini-detach ang kanyang tunay na sarili mula sa karakter niya sa harap ng kamera?

“Yes, debriefing… actually, until matapos ko yung film, parang hindi ako entirely nakakapag-debrief.

“Parang every… ako kasi as an actor, even if I’m not acting, everyday life, it’s like a workshop for me.

“I love observing, I love looking at people, minsan nga yung wife ko sasabihin sa akin, ‘May death stare ka lagi no?’

“Tapos yung picture, parang ganun. Parang, ‘Oh, may ganun pala ako.’

“Hindi ko alam. So parang everyday ko siyang dala, not until matapos ko na siya. Parang may ganun akong process as an actor, pero not entirely affecting my everyday life. Definitely not with this,” at natawa si Cedrick.

Nasa Andoy rin sina Jennica Garcia, Albie Casiño, Angelica Lao, Victor Relosa, Paolo Gumabao at Aya Fernandez.

Mula sa Wonderlust Films, ang pelikula ay magsisilbing feature length directorial debut ni Mark Putian, na kilala sa mga short films at music video.