Advertisers

Advertisers

‘No Segregation, No Collection’ ng basura sa Maynila

0 15

Advertisers

MAHIGPIT ng ipapatupad ng Manila LGU ang “No Segregation, No Collection” Policy ng mga basura.
Alinsunod sa City Ordinance No. 8371: An Ordinance Providing an Environmental Code for the City of Manila, patuloy na pinaaalalahanan ng Department of Public Services ang lahat na maayos na i-segregate ang mga basura.



Paalala ng pamahalaang lungsod, muling ipapatupad ang pagtakda ng mga araw ng pagkolekta ng mga basura kungsaan hindi kukunin ang mga ito kapag hindi tama ang paghihiwalay o segregate.

Tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes at Linggo, kokolektahin ang mga basurang nabubulok.

At Martes, Huwebes at Sabado ang mga hindi nabubulok na basura naman ang hahakutin. (Jocelyn Domenden)