Advertisers

Advertisers

Will at Dustin pinagsasabong

0 7

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Successful ang ginanap na first solo concert ni Will Ashley kung sana naging guest niya ang “Love You So Bad” costar na si Bianca de Vera noong Oktubre.

Ipinakita rin ng Kapuso actor ang galing niya hindi lang sa pagkanta kundi pati na sa pagkaldag.

Naging special attraction pa sa concert ang pagdalo ni Alden Richards para suportahan ang magaling na aktor.

After Will, si Dustin Yu naman ang susunod na magpapasiklab sa kanyang fan meet concert na gaganapin din sa venue kung saan nag-perform si Will sa susunod na buwan.

At ang bongga raw ay may special guest na Korean star ang aktor sa show na iprinudyus mismo ng brand na kanyang ini-endorse.

Dahil sa development na ito, abangers ang kibitzers kung kaninong concert ang mas papatok at dudumugin.

Anyway, nabalita naman noong almost sold out ang naunang concert ni Will.

Sa kaso naman ni Dustin, almost selling like hotcakes daw ang tickets sa concert nito.

Of course, kahit hindi pa nare-reveal, inaasahan ng kafaneyan na magiging special guest din ni Dustin ang other half niya sa DusBia na si Bianca De Vera.

Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng mga nagmamarisol sa pagkukumpara sa dalawang love team partners ni Bianca.

“Ayaw niyang pakabog kay Will, huh?”

“Magkakaalaman na kung kaninong concert ang dudumugin.”

“Sino kaya ang sakalam sa dalawa?”

“Matira ang matibay.”

“DusBia pa rin ang sakalam.”

“Si Will marunong kumanta, sumayaw. Anong pakikita ni Dustin?”

“Singerist din si Dustin. May boses din siya.”

“Puksaan na.”

Sina Will at Dustin ay parehong may dalawang entries sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

Kasama si Will sa cast ng “Bar Boys:After School” samantalang si Dustin ay leading man ni Ivana Alawi sa “Shake, Rattle and Roll: Evil Origins.”

Magkaribal naman sila sa puso ni Bianca De Vera sa romantic drama na “Love You So Bad” na kolaborasyon ng Star Cinema, GMA Pictures at Regal Entertainment.