Advertisers

Advertisers

BAHA SA LUNETA RALLY PAMBUBUDOL?

0 4,234

Advertisers

Tila hindi na yata mawawala ang PAMBUBUDOL sa ating mamamayan tulad sa gaganaping November 30 rally lalo na ang grupo ng BAHA SA LUNETA na pangungunahan ng LEFTIST GROUP na ipinangpo-pronta ay ang pagkondena sa malawakang kurapsiyon subalit ang reyalidad sa kanilang inaadhika ay ang madugong rebolusyon para matuon ang atensiyon ng INTERNATIONAL COMMUNITIES sa sitwasyon ng PHILIPPINE GOVERNMENT.

Mga ka-ARYA.., huwag po tayong palilinlang sa iba-ibang grupo na nagsasagawa ng kilos-protesta sa mga lansangan na kuno ay malasakit sa bayan.., subalit karahasan ang sadyang nilalayon para sa ganap na pagbabago sa istraktura ng paggo-gobyerno.

Ang November 30 protest ay hindi IGLESIA NI CRISTO (INC) ang nag-organisa kundi ng LEFTIST GROUP.., na hindi naman interesado sa pagsulong ng TRANSPARENCY and ACCOUNTABILITY kaugnay sa multi-billion flood control projects-related corruption investigations.

Ang ipinupursige ng LEFTIST COMMUNIST ORGANIZATIONS ay palitan ang gobyerno ngayon sa gusto nila.., na matagal nang itinatakuwil ng mga FILIPINO CITIZEN ang kanilang SATANIC IDEOLOGY ideology at hindi na tayo magugulat pa kung ang bahagi ng BAHA SA LUNETA RALLY ay biglang hihiwalay at susugod sa MENDIOLA area na lagusang daan papasok sa MALACAÑANG ngayong Linggo at magsimula na naman ng gulo na karaniwan nilang sistema.

Sa araw ng Linggo (November 30) ay 2 po ang magaganap na POLITICAL RALLY.., ang “TRILLION PESO MARCH” na inorganisa ng TRILLION PESO MARCH MOVEMENT na binubuo ng RELIGIOUS GROUP o ang SEKTANG KATOLIKO, CIVIL SOCIETY, SECTORAL GROUPS at iba pang grupo.., na ang ika-2 grupo ay ang “BAHA SA LUNETA 2.0” na kinabibilangan ng BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN (BAYAN) at ng COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES (CPP), na walang ibang isinisigaw kundi revolution sa halip na magsulong ng mga reporma.

Sa press conference para sa isasagawang rally sa November 30 ay ninanais ng mga lider ng KILUSANG BAYAN KONTRA KURAKOT (KBKK) na pababain at ikulong sina PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR at VICE PRESIDENT SARA DUTERTE-CARPIO.., at ang grupong ito ay tutol sa CONSTITUTIONAL PROCESS OF SUCCESSION FOR A LEADERSHIP CHANGE sa halip ay ninanasa ng mga ito ang bumuo ng TRANSITION COUNCIL para i-take over ang gobyerno; kung saan ang balak na ito ng KBKK ay binasura ni CARITAS PHILIPPINE PRESIDENT/KIDAPAWAN BISHOP JOSE COLIN BAGAFORO at DUMAGUETE BISHOP JULITO CORTES.

Gayunman.., mayorya sa mga grupong magrarally sa Linggo ay hindi sumasang-ayon o ayaw ng mga ito ang MILITARY JUNTA, REVOLUTIONARY GOVERNMENT o ano pa mang uri para kalabanin ang kasalukuyang administrasyon sa halip ay kinakailangang ipairal umano ang DEMOCRATIC PROCESS.

Sa kasalukuyan ay inaasahang aabot hanggang 1,200 individuals ang makakasuhan ng kriminal sa kanilang pagkakasangkot sa umano’y kickback schemes na may kaugnayan sa halos 80 identified ANOMALOUS FLOOD CONTROL PROJECTS na ginawa ng notorious contractors na pinangalanan na ni PBBM ayon sa nabanggit kamakailan ni INDEPENDENT COMMISSION ON INFRASTRUCTURE (ICI)/FORMER DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH) SECRETARY ROGELIO SINGSON!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.