Advertisers

Advertisers

PBBM, kaisa ng mga raliyista vs. tiwali — Palasyo

0 11

Advertisers

Nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga raliyistang humihiling na panagutin ang mga nasa likod ng umano’y ghost at anomalous flood control projects.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, sinusuportahan ng Pangulo ang lehitimong panawagan ng publiko, basta’t hindi ito humahantong sa destabilization.

Giit ni Castro, matagal nang malinaw ang posisyon ng Pangulo na iginagalang ng administrasyon ang freedom of expression, lalo na kung ang layunin ay imbestigasyon at accountability.

Dagdag ni Castro, karapatan ng mamamayan ang magalit sa mga anomalya sa flood control at iba pang imprastraktura.

Tiniyak din ng PCO official na nakatuon ang Pangulo sa pagsisiguro ng accountability sa mga proyektong siya mismo ang nagbulgar.

Aniya, walang sasantuhin sa imbestigasyon kahit kaalyado o kamag-anak basta’t may sapat at matibay na ebidensya.

Binigyang-diin pa ni Castro na hindi bubuksan ng Pangulo ang isyu kung mayroon siyang dapat ikabahala.

Layunin aniya ni Pangulong Marcos na mabigyang-linaw sa publiko kung paano inaabuso ang pondo ng bayan at kung sinu-sino ang responsable.

Nagpaalala rin ang opisyal ba hindi dapat minamadali ang proseso upang hindi maapektuhan ang case build-up.

Naninindigan aniya ang Pangulo na dapat airtight o matibay ang mga kaso upang matiyak na mananagot ang mga tunay na may sala. (Gilbert Perdez)