Advertisers

Advertisers

DPWH employee nalibing ng buhay sa landslide

0 10

Advertisers

NATABUNAN ng lupa ang dalawang tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nang biglang magkaroon ng landslide sa bundok sa Sta. Praxedes, Cagayan noong Huwebes.



Sinasabing 7:00 ng umaga noong Biyernes habang nagsasagawa ng clearing operation ang tatlong tauhan ng DPWH sa national highway na sakop ng Barangay San Juan, sa nasabing bayan nang biglang gumuho ang lupa mula sa bundok.

Ayon kay Marlene Miral-les, disaster officer sa lugar, araw-araw na nagsusuri ng landslide sa lugar ang tatlong tauhan ng DPWH nang habang nagpapala ang dalawa ay biglang gumuho ang lupa sa bahagi ng bundok, at bagama’t tumakbo pa sila ay mabilis na inabutan ng gumuhong lupa ang dalawa.

Sa ulat ng Sta. Praxedes Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, mabilis na nagtulung-tulong ang mga rescuer na hanapin ang dalawa, at nasagip sila at agad dinala sa Rural Health Unit.

Gayunman, ang isa sa da-lawang biktima ng landslide ay nasawi kalaunan habang ang isa ay nasa maayos nang kondisyon.

Ligtas naman ang isa pa nilang kasamahan na driver ng heavy equipment. Sina-sabing hindi na ito pumasok sa site nang makitang bibi-gay ang lupa.

Sa kabila ng insidente, pa-tuloy ang clearing operation ng DPWH sa kalsada roon na nag-uugnay sa Ilocos Region.