Advertisers

Advertisers

5-anyos ginilitan sa leeg ng kalaro

0 10

Advertisers

BANGKAY na nang ma-tagpuan ang 5-anyos na lalaki nang gilitan ng cutter ang leeg ng kanyang batang pinsan sa may sapa ng Barangay Capio-an, Argao, Cebu, Miyerkules ng gabi.

Batay sa insiyal na imbestigasyon ni Police Captain Rex Baguio sa insidente, ang batang biktima ay nakitang hu-ling kasama ng kanyang pinsan na 8-anyos na manghuhuli umano sila ng maliliit na alimango sa sapa malapit sa kanilang bahay.

Tinanong pa raw ng ina ng biktima ang batang pinsan nito kung nasaan ang anak pero hindi ito makasagot ng diretso, kaya’t hiniling na ng ina sa barangay na magsagawa ng pag-hahanap sa lugar.



Dito na nakita ang duguang biktima na nakahandusay sa sapa na may gilit ang leeg nito.

Ayon kay Capt. Baguio, mistulang matalim na bagay na parang cutter ang ginamit na ipinanghiwa sa leeg ng biktima.



Doon naalala ng ina ng biktima na palagiang bitbit ng 8-anyos na batang kaanak ang isang cutter, dahilan para paghinalaan na siya ang nasa likod ng krimen.

Tinitingnan ng pulisya ang posibilidad na nagkaroon ng pag-aaway ang magpinsang paslit habang nangunguha ng alimango.



Hawak na ng social welfare office ng naturang bayan ang batang salarin, habang ina-alam ng pulisya ang ugat ng krimen.