Advertisers

Advertisers

MAGBANTAY TAYO

0 14

Advertisers

SYSTEMIC AT SYSTEMATIC CORRUPTION, yan ang kinakaharap natin sa ngayon, kaya marami sa ating mga kababayan ay idinadaan na lamang ang lahat sa protesta sa ating mga lansangan gaya ng naganap na mga protesta, ang iba pa nga ay sa Luneta pa, at bandang huli ay tutulak sa makasaysayang lansangan ng Mendiola para magtungo sa Malacanang.

Tila nahawaan tayo ng mga makakomunistang samahang Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) dahil yan ang ginagamit nilang linyada sa kanilang kausa – korupsiyon ng mga tiwaling lingkod bayan sa pamahalaan.

Kaya nga, sila daw ang tagapangtanggol ng taong bayan, dahil ganitong ganito daw ang una pa nilang pinaglalaban.

Dumadaan din ang kanilang hinahing sa mga protesta sa lansangan, kasama ang iba’t ibang sektor.

Pero ngayong, taong bayan na ang sama samang sumisigaw na tigilan na ang korupsiyon, baka naman tayo ay masalisihan. Kasi nga magkahawig na ang ating ipinaglalaban. Tigilan na ang korupsiyon at panagutin ang may sala.

Kaya dapat din nating bantayan ang mga panawagang ito, na lumabas tayo sa mga lansangan at ipagsigawan ang ating ipinaglalaban. Baka di natin napupuna mga CPP-NPA-NDF na pala ang ating mga kasama.

Ang mga panawagang iyan, ayon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ay mga
‘peace spoilers’ o’ pang-basag ng katahimikan o’ kapayapaan.

Dahil meron naman tayong gumaganang sistema ng demokrasya. Pinakikinggan at may kalayaan ang lahat na magpahayag ng saloobin. Pero may mga paraan din para usigin ang may dapat na pananagutan.

Sana’y tayo sa nga ganitong proseso, hindi sa kalsada ng protesta na palagian karahasan lang sa ending.

Kaya mga katoto, magbantay tayo. Baka mali na ang ating mga nasasamahang mga panawagan sa lansangan.