Advertisers
Hindi sapat ang salitang…”salamat QCPD” sa pagbigay seguridad ng halos 500,000 katao na dumalo sa natatapos na Trillion Peso March Movement sa ginanap nitong Nobyembre 30, 2025 People Monument Park (PPM) sa EDSA kanto ng White Plains Quezon City. Tinawag din ang rally bilang “Indignation Prayer Rally”.
Umuwi mula sa halos maghapong protesta ang daan-daang raliyista na walang ni-isang galos sa kanilang katawan maliban lamang nangamoy pawis – protektado ang bawat raliyista bunga ng itinayang dugo’t pawis ng mga pulis o makikita o ramdam ng lahat ang dedikasyon at propesyonalismo ng bawat pulis sa lugar.
Hindi sapat ang pasalamatan at hangaan lamang ang mga QC pulis sapagkat hindi lang sa loob ng isang araw nilang pinaghandaan ito para matiyak na mapayapa ang TPMM….bukod sa maiwasan ang pangkukutya sa tropa ng pulisya.
Kung baga, sa naging resulta ng mapayapang pagtitipon, walang sapat na salita para pasalamatan ang tropa ni Col. Silvio maging ang augmentation groups na tumulong sa pagbigay seguridad sa pinangyarihan.
Ano pa man, naging maayos ang lahat bunga ng pagsunod ni Col. Silvio sampu ng kanyang mga opisyal at tauhan sa direktiba ni Acting Chief PNP PLt. Gen. Jose Melencio Nartates, Jr., at dahil sa gabay din ni NCRPO Regional Director PMGen. Anthony Aberin.
Naging maayos ang rally dahil sa nagpatupad ang QCPD ng komprehensibong mga hakbang sa seguridad na nagresulta sa zero major na insidente, na nagpapakita ng pagiging epektibo ng pangkalahatang paghahanda sa seguridad at pamamahala sa lugar.
Hindi lamang ito kung hindi, sapat na bilang ng tauhan ng QCPD ang ipinakalat sa bawat kanto ng pinangyarihan kung saan ay sinuportahan ito ng mga kaakibat na ahensya kabilang ang DPOS sa pangunguna ni PBGEn. Elmo San Diego (Ret), ang ang AFP, BFP, BJMP, NAVAL, NCRCOM, Red Cross, at ang QC-LGU sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte sa pamamagitan ng TTMD at MMDA.
Tiniyak naman na sa koordinasyon ng mga ahensyang nabanggit ang maayos na daloy ng bawat dumalo at tuluy-tuloy na operasyon ng seguridad sa kabuuan ng kaganapan.
Nagpasalamat din si Col. Silvio sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon at sa mga kaakibat na ahensya para sa kanilang suporta at kooperasyon, na aniya’y malaki ang naitulong upang maging maayos ang pagdaraos ng kilos protesta.
Siyempre, pinasalamat din ng “Ama ng Pulisya ng Lungsod” ang mga nag-organisa sa TPMM at mga kalahok dahil sa pagtalima sa mga security protocol at responsableng paggamit ng kanilang mga karapatan.
Bagamat nabanggit natin na walang sapat na salita kung paano pasalamatan ang QCPD sa ipinamalas nilang pagtiyak sa seguridad sa nakalipas na malakihang rally, ang bayan ay saludo sa walang sawang dedikasyon, propesyonalismo, at sa maximum tolerance na pinairal sa lugar para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
‘Ika ngan ni Col. Silvio…“Ang QCPD ay nananatiling matatag sa aming pangako na pangalagaan ang komunidad, itaguyod ang batas, at tiyakin na ang bawat pampublikong pagtitipon sa Lungsod Quezon ay mananatiling ligtas, mapayapa, at maayos.”
Iyan ang Proud To Be QCPD…basta para sa seguridad ng bayan, iyan ang kanilang prayoridad.