Advertisers
Bilib na sana ang mga Ka Usapang HAUZ sa naging hakbang ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na magsampa ng mga kaukulang kaso laban sa binansagang Cong-Tractors na mga aktibong kongresista subalit bakit parang may nililihis sa balag ng alanganin huwag naman sana.
Sa pananaw ng mga Ka Usapang HAUZ, malinaw na sinamantala ng ilang kongresista ang kanilang kapangyarihan para sa personal na interes sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng silent transaction kakutsaba ang ilang tiwaling opisyal ng DPWH, di po ba Usec. Bernardo?
Natuwa ang ICI partikular ang gobyerno ni PBBM ng magsoli ang isa sa sinasabing mastermind ng bilyong pisong korapsiyon at parang mission accomplished kung magbunyi ang mga nagiimbistiga rito, galit na galit pa rin ang taong bayan.
Magiging kalmado ang taong bayan kung ang ICI ay walang kikilingan, walang sisinuhin kasuhan ang dapat kasuhan huwag magpadikta sa bulong ng kung sino man, nagsalita na po si Cong. Zaldie Co.
Hustisya ang sinisigaw ng taong bayan kung kaya’t nararaoat lamang na mas palalimin pa ng ICI ang imbestigasyon upang tiyaking pantay ang pananagutan sa lahat ng “cong-tractors.” korek.
May mga ulat kasi mga Ka Usapang HAUZ na nagsasabing maraming kasalukuyan at dating mambabatas, kasama ang kanilang pamilya at kaalyado, ang nagmamay-ari ng mga kumpanyang nakikinabang sa mga proyekto ng gobyerno.
Kung may ebidensiya, nararapat silang sumailalim sa parehong scrutiny at kasuhan sa plunder, graft, at paglabag sa Konstitusyon at Anti-Graft Law.
Ang korapsyon sa imprastruktura ay hindi lamang isyu ng iilang indibidwal; ito ay sistemiko, nagastos ang mamamayang Pilipino ng bilyon-bilyong piso sa mga proyektong substandard o phantom, at nanganganib ang buhay ng marami.
Ang ganitong malawakang pang-aabuso ay dapat wakasan, anuman ang partido o posisyon ng sangkot.
Nararapat lang ipakita ng ICI sa taong bayan na walang sinuman ang makakalusot Sa isinasagawang imbestigasyon.
Kung may malinaw na ebidensiya mula sa corporate filings at kontrata ay mag-uugnay sa kasalukuyan o dating senador o kinatawan ng Kongreso na sangkot sa government contracts, dapat din silang i-refer para sa plunder at graft.
Ito ang kritikal na hakbang para talagang wakasan ang “cong-tractor” culture sa bansa. Ang praktis ng mga mambabatas bilang kontraktor ng gobyerno ay malinaw at labag sa Konstitusyon.
Ano ba naman yan mga Ka Usapang HAUZ.
Nararapat sigurong tuldukan na ang ginagawang pandarambong sa kaban ng bayan dapat na din may maghimas na nang malamig na rehas na bakal ng sa gayun ay may pangilagan ang sinumang politikong makakaisip na mangurakot sa isasagawang proyekto.
Dapat gamitin ng ICI ang lahat ng legal na paraan upang matiyak na bawat mambabatas na nagkompromiso ng tiwala ng publiko ay mananagot sa batas at administratibo. Ang transparency sa buong proseso ay di-negotiable.
Karapat-dapat ang mga Pilipino na makita ang hustisya hindi lamang sa teorya kundi sa aktwal na aksyon. Kung pipiliin lamang ng ICI na papanagutin ang ilang “cong-tractors” habang palalampasin ang marami, bigo ito sa publiko at mawawala ang tiwala.
Kailangan magpakitang gilas ang iCI sa taong bayan na may malalambat silang malalaking isda at hindi yung mga isdang maliliit na pang aquarium para maging palamuti, yung tipong Mema lang justice for all huwag mamili.
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036