Advertisers
Tiniyak ni Caloocan Mayor Along Malapitan na maayos ang kalusugan ng kanyang mga kababayan na naapektuhan ng sunog sa Barangay 164, kaagad itong nagsagawa ng medical mission ang pamahalaang lungsod.
Bukod sa konsultasyon, nakatanggap din ang mga mamamayan na naapektuhan ng sunog ng libreng gamot, bitamina, at patuloy na babantayan ang mga ang kalusugan ng mga health workers.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng social workers sa evacuation center ang kabuuang 271 pamilyang naapektuhan ng sunog.
Nagbigay na rin ang pamahalaang lungsod ng sleeping kits, hygiene kits, hot meals, at nakahanda tumugon sa iba pang pangangailangan ng kanilang mga kababayan.(BR)