Advertisers

Advertisers

Reward vs Zaldy Co ikakasa – Malakanyang

0 10

Advertisers

INAMIN ng Malacañang na bukas ito sa posibilidad na magpatupad ng pabuya para sa sinumang makapagtuturo sa kasalukuyang kinaroroonan ng dating kongresista na si Zaldy Co.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bagama’t wala pang pinal na pag-uusap ukol sa reward system, bukas ang Palasyo na isaalang-alang ito upang mapabilis ang paghahanap at posibleng pag-aresto kay Co.

Binibigyang-diin din ng Palasyo ang kahalagahan na mahanap si Co dahil sa pagkakadawit niya sa mga umano’y anomalya sa mga proyekto sa flood control.



Samantala, kinumpirma ni Castro na tuloy ang koordinasyon ng Department of Foreign Affairs sa mga awtoridad sa Portugal.

Kasunod na rin ito ng ulat ng DILG na posibleng nasa Portugal si Co—ngunit hindi basta-basta mapapauwi sa bansa dahil walang umiiral na extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Portugal. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">